Kaalaman at dunong, palalawakin ni Talinong Tipaklong!

Lamang ang taong may alam, ‘ika nga.
Sandata ni Talinong Tipaklong ang kanyang kaalaman at husay,
kaya naman hindi siya basta-basta nalalamangan.

Si Talinong Tipaklong ang magiging walking encyclopedia
at talking dictionary ng sambayanan.  Siya rin ang magsisilbing
tanglaw sa landas ng karunungan.

Dadalhin din tayo ni Talinong Tipaklong sa mundo
kung saan marami tayong mapupulot na aral.
Makilakbay tayo kay Talinong Tipaklong at huwag
mahihiyang magtanong. 

Videos

PANGULONG DUTERTE: WALANG PEACE TALKS SA NDF KUNG MAGPAPATULOY ANG KANILANG PAG-ATAKE

RENE LUMAWAG/PRESIDENTIAL PHOTO
RENE LUMAWAG/PRESIDENTIAL PHOTO

 Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga opisyal at miyembro ng government peace panel upang pag-usapan ang posibleng pagsasapinal ng bilateral ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista.

Sa pulong na isinagawa nitong Hulyo 18 sa Malacañan Palace, direktang inutusan ng Pangulo ang government panel na nakikipagnegosasyon sa National Democratic Front of the Philippines o NDFP na huwag ituloy ang pagbalik sa formal peace talks hangga’t hindi tumitigil ang mga miyembro ng komunistang grupo sa pag-atake sa mga sundalo sa Mindanao.

Nakatakdang magsagawa ng backchannel talks sa NDFP ang government panel sa pangunguna ni chief negotiator Labor Secretary Silvestre Bello III upang muling pag-usapan ang formal negotiations ng magkabilang kampo.

Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP Secretary Jesus Dureza na ang pagbalik muli sa formal talks ay nakadepende sa commitment ng rebeldeng grupo na sumunod sa guidelines para sa posibleng ceasefire deal sa gobyerno, kasama na rito ang pagsuspinde sa operasyon laban sa militar at pulisya, gayundin ang pagtigil sa ginagawang extortion activities sa mga kanayunan at iba pa.

Iginiit ni Pangulong Duterte na dapat tumigil ang mga rebeldeng komunista na kalabanin ang militar sa Mindanao kung nais nilang matuloy ang peace negotiations.

Pinaplano rin ng government panel na pag-usapan ang socio-economic provisions na bahagi ng peace agreement sa komunistang grupo.

Dagdag pa ng Pangulo, dapat manawagan ang NDFP sa mga armado nitong miyermbro na iisantabi muna ang opensiba laban sa pamahalaan upang mapabuti ang kalagayan ng lahat lalo na ng mga taga-Mindanao.

 

(PND/Fay Maniaul)

PNP MAGDARAOS NG KAUNA-UNAHANG ANTI-ILLEGAL DRUGS FILM FESTIVAL  

pnpfilm

Sa pagdiriwang ng ika-22 anibersaryo ng Philippine Community Relations (PCR) Month ngayong buwan, inorganisa ang kauna-unahang Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Film Festival na may pitong kalahok na pelikula na sasabak sa nasabing kumpetisyon. Ito ay inisyatiba ng Police Community Relations Group o PRCG bilang pagsuporta sa Anti-Illegal Drugs Campaign Plan – Double Barel: Reloaded.

Mula sa konsepto ni Chief Supt. Gilberto DC Cruz, Director ng PRCG, ang inaugural film fest ay magpapalabas ng pitong pelikula na iikot ang kuwento sa kampanya ng ahensya laban sa ilegal na droga.

Nilahukan ang nasabing event ng mga film students mula sa tatlong educational institutions na nakapasok sa finals. Ang mga pelikulang ito ay ang “Banyuhay”, “Batak Bata,” “High Na Si Lola,” “Toktok Hangyo,” “Tanpos,” “Kutob” at “Sais Bente Tres” mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, La Consolacion College (Manila) at Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology.

Naririto ang kalahok na pelikula kasama ang listahan ng mga taong nasa likod ng produksyon:

  1. Banyuhay, directed by Elna May Santana, screenplay by Karen Bondoc and Jobelle Macayan. Cast: Jeremi Flores, Alexander Joshua Barcela, Queenie Fernandez, Maria Divina Tigno, Mary Mae Lodriguito, Vilma Tolin, Gabriel dela Rosa and Simon Asenjo. Adviser: Dr. Maria Lourdes D.P. Garcia (Polytechnic University of the Philippines).
  2. Batak Bata, directed by Ian Villa, screenplay by Al-Jhun Virgo. Cast: Jess San Andres, Tessie Lagman, Tony Suvega, Ernie Garcia and Jan Dio. Adviser: Prof. Eduardo Palmos (Polytechnic University of the Philippines).
  3. Kutob, directed by Daniel Bernaldo, written by William Ompoc, screenplay by Darwin Pesco. Cast: Lloyd Hatulan, Kruspakaya Valila, Ericka Louise Bumansag and Earl Justin Pingol. Adviser: Edna Tormon-Bernabe (Polytechnic University of the Philippines).
  4. Tantos, directed by Raymart Ardaim, story by Aaron Dale Miranda and Shun Paolo Bueno, screenplay by Elda Len Morales. Cast: Jason Espinosa, Shaira Mae Reblando, Wyndel Usero, Carlo Manuel Sr., Jim Paolo Cruz, Michael Benedict Sindayen and Yutaro Sato. Adviser: Dr. Maria Lourdes D.P. Garcia (Polytechnic University of the Philippines).
  5. Toktok Hangyo, directed and screenplay by Kris Cazin. Cast: Jaybee Ormasa, Jan Aaron Olabarrieta, Austin Seth Ignacio, Alyssa Rae Tan, Ray Escalante, Des Campos, Gabriel Ian Marasigan, Rosalinda Mercedes Castillo, Philip Cinco and Kim Clarete. Adviser: Dr. Auxilie Salvosa (La Consolacion College).
  6. High na si Lola, directed by Abigail Modales, screenplay by Ma. Divina del Pilar. Cast: Alvin Fortuna, Jeff Fernandez, Liz Alindogan, Steph Cordero and Perla Bautista. Adviser: Prof. Eduardo Palmos (Polytechnic University of the Philippines).
  7. Sais Bente Tres, directed by Paul Caisip and Jeffrey Deplomo, story by Deplomo, screenplay by Maricris Madara. Cast: Jeremy Asis, Janet Batubatan, Renzo Gruezo, Trisha Leonor, Star Orjaliza and Pontri Bernardo. Adviser: Estrellita Glodo (Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology).

Ang mga magwawagi ay ihahayag sa red-carpet event na inorganisa ng Prime Events Productions Philippines Foundation Inc. (PEPPs) at ng Police Community Relations Group (PRCG) sa Camp Crame, Quezon City.

“I enjoin everyone to support the war against illegal drugs by giving support to the 1st PNP Illegal-Drugs film festival coming from the minds of our youth asking for change in our society,” pahayag ni Chief Supt. Cruz sa mga hurado sa isinagawang final screening sa Camp Crame headquarters.

Hindi na bago si Cruz sa mga film fest dahil dati siyang bahagi ng 2008 Metro Manila Film Festival sa entry na “Banal”. Dagdag pa ng opisyal, plano ng PNP na gawin ang film festival taun-taon.

Layunin ng naturang film festival na maipalaam sa bawat Filipino, lalo na sa mga kabataan, ang mga kampanya na ginagawa ng ahensya upang matiyak na magkakaroon ng ligtas at payapang bansa.

Inaanyayahan din ang mga kabataan na makibahagi at suportahan ang Anti-Illegal Drugs and Awareness Campaign ng PNP.

Inimbitahan din ng PNP si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa awards ceremonies gayundin si Cannes Film Fest Best Director Brilliante Mendoza.

Ang 1st PNP Anti-Illegal Drug Film Festival ay sinusuportahan ng UNTV, Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ipapalabas ang mga film entries sa UNTV media.

Tatlo lamang ang Best Films na mapipili at ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa.

 

(PND/Fay Maniual)

PAGPAPALAWIG SA MARTIAL LAW NAKAANGKLA SA KAPAKANAN NG MAS NAKARARAMI  

PAGPAPALAWIG SA MARTIAL LAW NAKAANGKLA SA KAPAKANAN NG MAS NAKARARAMI  
Health Secretary Paulyn Ubial announces during the Mindanao Hour at the Kalayaan Hall of Malacañan Palace on July 17, 2017 that medical services are being provided to the families and individuals from Marawi City that are currently taking refuge in different centers. Also in the photo is Presidential Spokesperson Ernesto Abella. ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO

Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ukol sa pagtatapos ng martial law sa Marawi City.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, ang kapakanan ng nakararami at ang banta sa nasabing lugar ang mga konsiderasyon sa pagdedesisyon ng Pangulo pagdating sa usapin ng pagtatapos o pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

 

(PND/Angel Sagales)

 

DOH SUMUSUNOD SA MANDATO NI PANGULONG DUTERTE NA UNAHIN ANG KALUSUGAN NG MGA MAHIHIRAP NA FILIPINO

DOH SUMUSUNOD SA MANDATO NI PANGULONG DUTERTE NA UNAHIN ANG KALUSUGAN NG MGA MAHIHIRAP NA FILIPINO
Health Secretary Paulyn Ubial announces during the Mindanao Hour at the Kalayaan Hall of Malacañan Palace on July 17, 2017 that their agency has allocated a total of P55.2 million cash assistance to both Department of Health and private hospitals and P30.4 million worth of logistics funds to responders for the Marawi incident. Also in the photo is Presidential Spokesperson Ernesto Abella. ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO

Inilatag sa publiko ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial sa isinagawang press briefing sa Palasyo nitong Hulyo 17 ang mga naisakatuparan ng kanyang ahensya lalung-lalo na ang inisyatiba na matulungan ang mga mahihirap na Filipino magmula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Sinabi ni Ubial na sinusunod niya ang mandato ng Pangulo na unahin ang mga Filipinong salat sa buhay.

Aniya, “This was the directive of President Rodrigo Duterte upon my assumption to office. The DOH set out to epitomize the President’s ‘malasakit’ and compassion for the people through the Philippine Health Agenda.”

Ang nasabing Philippine Health Agenda ay isang strategic vision ng ahensya at inclusive plan bilang pagtugon sa slogan ng DOH na “All For Health Towards Health For All.”

At upang maisakatuparan ang nasabing agenda, sinabi ni Ubial na isinaayos niya ang ahensya pagdating sa usaping transparency kung saan nakiisa sila sa Freedom of Information at sa pagbubuo ng task force laban sa katiwalian.

Binigyang-diin din niya ang suportang ibinigay ng Pangulo sa pamamagitan ng paglagda nito sa mga executive orders katulad na lamang ng family planning, smoking ban, at pagbabawal sa paggamit ng firecrackers. Inaprubahan na rin umano ng Pangulo ang Philippine Facility Development Plan 2017-2022 na naglalayon na maiangat ang serbisyong pangkalusugan.

Binanggit din ng Kalihim ang plano ng pamahalaan na medium-term investment upang ma-upgrade ang mga health facilities at magtayo ng mas marami pa nito sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang na ang 9,604 na barangay health stations sa susunod na limang taon, 2,289 na rural health units at urban health centers, at ang 740 polyclinics.

Tinatayang simula Hulyo 2016, 19 milyon na mahihirap na Filipino na ang nakapagpa-check-up sa mga health professionals sa pamamagitan ng DOH.  Nasa 15,000 na indibidwal din ang nakinabang sa surgical caravan na isinagawa noong nakaraang buwan.

At sa kabila ng mga panganib, nagpadala rin ang DOH ng 289 doktor at 14,486 nars sa Marawi City pati na rin sa lugar na apektado ng paglindol sa Ormoc at Kananga.

Ayon sa Kalihim, P55.2 million cash assistance na nagmula sa DOH at private hospitals, at P30.4 million na halaga ng logistics, na may kabuuang P85.6 million assistance ang naipadala sa Marawi City.

Naghahanda na rin umano ang DOH sa muling pagsasaayos ng Marawi kung saan plano nila na magtayo ng isang health center kada barangay, isang polyclinic para sa 100,000 katao, isang lying-in facility para sa 50,000 katao, at bumili ng hospital beds para sa 800 katao.

At upang matugunan ang mental health issues ng mga naapektuhan sa kaguluhan, maghahandog ang DOH ng psychological first aid at psychosocial processing and coping with stress mechanism.

Maghahandog din ng ibang serbisyo ng ahensya sa mga evacuees katulad na lamang ng vaccinations para sa mga sanggol at bata, gamot sa tuberculosis, diabetes at mga matataas ang dugo. Kabilang din dito ang health care services para sa mga buntis at mga bagong panganak, at deworming.

Plano rin ng DOH na magpatayo ng mga palikuran, paliguan at mga lugar para sa paglalaba. Mamimigay rin sila ng hygiene kits at water disinfectants sa bawat pamilya.

 

 

(PND/Angel Sagales)

 

PINAKAMATAAS NA APPROVAL RATING SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS NAITALA NI PANGULONG DUTERTE  

PINAKAMATAAS NA APPROVAL RATING SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS NAITALA NI PANGULONG DUTERTE  
Both President Duterte and Senate President Pimentel obtain majority approval figures across all geographic areas (75%to 95% and 54% to 71%, respectively) and socio-economic classes (79% to 84% and 60% to 62%, respectively). Vice-President Robredo has majority approval ratings in most geographic areas and socio-economic groupings (60% to 66% and 60% to 72%, respectively), with Metro Manila and Class ABC being the exceptions (both at 44%). / Document from PulseAsia.PH

Masayang ibinalita ng Palasyo nitong Hulyo 17 ang resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing nakakuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng 82% approval rating. Kinikilala ngayon ang Chief Executive bilang “most appreciated government official” sa kasaysayan ng ating bansa.

Magandang balita ito ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bagaman at sinabi niya sa harap ng mga mamamahayag na, “Well, of course, you know, at the end of the day, he will not claim it for himself. He will give due credit to his Cabinet and to the participation of all agencies.”

Ang survey ay isinagawa noong Hunyo 24 hanggang 29, at mula sa 78 percent approval rating noong nakaraang Marso ay tumaas ito sa 82 percent ngayong Hunyo.

Masaya naman ang Pangulo sa resulta ng survey lalo na sa pagiging top leader ng bansa sa larangan ng geographic at socioeconomic areas.

 

(PND/Angel Sagales)

 

 

PANGULONG DUTERTE DUMALO SA PAGLULUNSAD NG AKLAT NI FVR

PRRD graces the Book Launching of Former President Fidel Ramos
President Rodrigo Roa Duterte receives the first copy of former President Fidel V. Ramos book ‘Make Change Work’ during its launching at Camp General Emilio Aguinaldo in Quezon City on July 17, 2017. ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO

 

 

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pormal na paglulunsad ng aklat ni dating pangulong Fidel V. Ramos na may pamagat na “Make Change Work”. Ginanap ang okasyon sa Department of Defense Social Hall sa Camp Aguinaldo nitong Hulyo 17.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Pangulong Duterte na tanggap niya ang suporta at kritisismo sa kanya ng dating pangulo.

“President Fidel V. Ramos, you are my idol. You are my number one supporter, but at the same time you are the number one critic now,” sambit ni Pangulong Duterte, na naging dahilan para magtawanan ang mga bisita.

“So it is a matter really of principle in life… And I respect your criticism. I accept your advice,” dagdag niya.

Pinuri naman niya si Ramos dahil sa umano ay “sincerity and concern” nito sa mga mamamayang Filipino at sa patuloy nitong kontribusyon sa pag-unlad ng bansa kahit pa wala na ito sa puwesto.

Aniya, gagayahin niya ang dating pangulo sa pamamalakad sa bansa na inuna ang kapakanan ng bayan bago ang sarili.

“But love of country, patas tayo, sir. I would say that I love my country as much as you do. And we are ready to die for this country,” anang Pangulo.

Binati rin niya si Ramos sa paglabas ng aklat nito at sinabing “timely” ang pagkakalathala lalo pa at maraming pagsubok na kinakaharap ang ating bansa.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang patuloy na pag-unlad ay hindi makakamit nang mabilisan, at ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan ay mahalaga para maisulong ang tunay na pagbabago.

Aniya, “I hope that this book will enlighten our countrymen on how to achieve genuine transformation for the betterment of our nation, which is by working together. Let us therefore remember that opportunity [of] a better future for the present and the coming generations is more important than our unfounded reservations. Let us make change work for our people and country.”

Ang nasabing aklat ay kalipunan ng mga lathalain na sinulat ni Ramos sa kanyang lingguhang pitak sa mga pahayagan. Ang kikitain mula sa benta ng aklat ay ipagkakaloob sa mga bakwit ng Marawi City.

Bilang tanda naman ng kanilang pagkakaibigan, binigyan ni Ramos si Pangulong Duterte ng kamiseta na may tatak na “Follow Me”. Ipinaliwanag ng dating pangulo na isinuot niya ang katulad na kamiseta habang nagsasanay sa Army Infantry School sa Fort Benning, Georgia, USA.

Nasa paglulunsad din ng aklat ni Ramos sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, dating house speaker Jose De Venecia, ang mga dating senador na sina Ramon Magsaysay Jr. at Orlando Mercado at iba pa.

 

 

(PND/MMPM.news)

REAKSYON NG PCOO SA ISYU NG UNLIQUIDATED CASH ADVANCES: ‘WE HAVE BEEN VERY TRANSPARENT AND REGULAR IN ALL OUR TRANSACTIONS’

File: Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary and SOMRI Chair Noel George Puyat
File: Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary and SOMRI Chair Noel George Puyat

Bilang tugon sa mga ulat ukol sa diumano ay “unliquidated cash advances” ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), tiniyak ni PCOO Undersecretary Noel Puyat na ang lahat ng mga gastos at disbursement ng departamento ay naging regular, aktuwal at kinakailangan para sa pagtupad ng mga tungkulin bilang government’s chief communications at media relations agency.

“Consecutive ‘Statements of Audit Suspensions, Disallowances and Charges’ from the Commission on Audit (COA) show that there have been no suspended nor disallowed expenses by the PCOO since we assumed office in July 2016 and that we have been very transparent and regular in all our transactions,” sambit ni Puyat.

Ang pinakabagong Annual Audit Report ng COA sa PCOO ay nagbigay ng konklusyon na: “There were no Notice of Suspension, Disallowance and Charges issued in CY 2016.”

“The issue of alleged unliquidated advances of some of our officers and personnel is a matter of reconciling travel records and official receipts,” ani Puyat. “Presidential Spokesman Ernesto Abella, in particular, has submitted all his receipts and the liquidation of his cash advances within days from his arrival from Presidential trips.” dagdag pa niya.

Pinatunayan din ni Puyat na ang lahat ng ginastos at resibo ay nakatala, at ang PCOO ay agarang aayusin ang mga file sa pagitan ng PCOO’s Accounting office at ng Commission on Audit.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Puyat sa obserbasyon at rekomendasyon ng COA sa pagrerepresenta ng mga ginastos na inilarawan bilang disbursements para sa media representation, pagkain, inumin, regalo at raffle prizes noong Enero hanggang Hunyo 2016 na nasa humigit-kumulang sa P20 milyon.

Binanggit naman sa report ng COA na karamihan sa mga nagastos ay hindi nasuportahan ng mga opisyal na dokumento na magpapatunay at magbibigay-katwiran na kinakailangan at angkop ang nagawang gastos: “From the time we took office, we have exerted great effort to correct this practice. All disbursements for representation have and will continue to be supported by official receipts and justifications to validate their regularity and necessity in the performance of our functions.”

Ipinakita sa ulat ng COA ang “Expenses for Media” ay zero mula Hulyo hanggang Disyembre 2016.

 

(MMPM.News/Marvin S. De la Paz)

POWER RESTORATION SA MGA APEKTADONG LUGAR NG 6.5 NA LINDOL, PATULOY — DOE

Cusi: Power Situation in Quake-Stricken Areas Seen to Improve by July 19
President Rodrigo Duterte, DOE Secretary Alfonso Cusi and other Cabinet Members during a Cabinet Meeting held yesterday (13 July) in Ormoc City./ Presidential Photo

Ipinahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na patuloy pa rin ang mga isinasagawang power restoration sa Leyte, at sa Hulyo 16 ay inaasahan ang pagdating ng 40 megawatts na suplay ng kuryente.

Ayon pa sa kanya, sa Hulyo 19 ay magkakaroon ng karagdagang 90 MW na suplay para sa naturang probinsya, habang sa Hulyo 31 ay inaasahan na maibabalik na ang kabuuang suplay ng kuryente sa lugar.

 

PND/Shimei Gandia