Kalsada, tulay, building o kahit iba pang bubuuin, Spider Builder is just a call away!

Siya ang magbibigay-daan sa matibay na kinabukasan.
Mula sa unti-unting paghahabi, sumisimbolo si Spider Builder
sa pagbuo ng bawat pundasyon na magpapatatag sa tahanan
ng isang simpleng mamamayan.

Siya rin ang tutulong sa bawat Juan na may tanong ukol sa infrastructure.
Hindi na tayo mag-aalinlangan na busisiin ang mga proyekto
ng pamahalaan dahil si Spider Builder,
handa nang umaksyon sa tanong ng bayan. 

Videos

3,000 BARIL IPINAMAHAGI NI PANGULONG DUTERTE SA MGA SUNDALO

3,000 BARIL IPINAMAHAGI NI PANGULONG DUTERTE SA MGA SUNDALO
Several units of Armscor TAC Ultra FS .45 caliber pistols were distributed to the Armed Forces of the Philippines in a turnover ceremony led by President Rodrigo Roa Duterte at the Heroes Hall of Malacañan Palace on July 18, 2017. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

 

Ipinamahagi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 3,000 piraso ng .45 caliber na baril sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pagtupad sa kanyang pangako na maglalaan ng armas para sa mga sundalo.

Sa kanyang talumpati habang ginaganap ang turnover rites sa Heroes Hall sa Malacañan Palace nitong Hulyo 18, sinambit ng Pangulo na sa mahigit dalawang dekada niyang pagiging mayor ng Davao City, alam niyang mahina ang mga sundalo laban sa mga komunista.

“Ang problema kasi nitong military, unang-una, though no fault of yours, labas kayo ng kampo, wala man kayong baril… You go to the town proper, you go there, maybe you drink and you enjoy. Pag-uwi ninyo, inaabangan kayo ng mga NPA,” anang Pangulo.

“Ang ayaw ko roon, ‘yung patayin nila ang tao na walang armas. Walang kalaban-laban. So, sabi ko, hindi pwede ito. Kailangan ko talaga to place my soldiers on equal footing with them. Kasi sila, nakakadala ng armas, side arms. Eh, maiwan nila ‘yung M16 nila,” sambit pa niya.

Binanggit din ng Pangulo na ang mga sundalo ay nahaharap sa iba’t ibang labanan, at pinayuhan niya ang mga ito na mag-iingat lalo na sa Zamboanga at Sulu.

“Be careful. It would give you a more equanimity kasi matapang ka, eh. Not really tapang, but you walk with confidence,” sabi niya.

Pinayuhan naman ng Chief Executive ang mga opisyal ng militar na bantayang mabuti ang kanilang mga tauhan at ipatupad ang mahigpit na disiplina sa paggamit ng baril.

Kanyang sinabihan din ang mga sundalo na huwag gagamitin ang baril sa mga inosenteng sibilyan.

Ang ipinamahaging baril ay may tatak na Rock Island Armory caliber .45 1911 A2 TAC Ultra FS pistols. Ang mga ito ay hammer fired, high-capacity pistols na may 13 rounds magazine capacity. May kasama na ang bawat baril na isang magasin sa loob at dalawang extra na magasin.

Kasabay ng seremonya, ipinahayag ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Duterte dahil sa suporta nito at malasakit para sa mga sundalo. Makakatulong umano ang mga baril sa pagpapataas ng kanilang moral.

 

(PND/Marvin S. de la Paz)

DPWH, NAGHAHANDA NA PARA SA MULING PAGSASAAYOS SA MGA NASIRA NG LINDOL SA LEYTE

DPWH, NAGHAHANDA NA PARA SA MULING PAGSASAAYOS SA MGA NASIRA NG LINDOL SA LEYTE
Photo grabbed from Ormoc City, Leyte Facebook page

Iniulat ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na ang lahat ng mga daan at tulay sa Ormoc City, Leyte ay maaari nang madaanan.

Sinabi rin niya na aabot sa tinatayang P69 milyon ang pinsala sa 40 na mga gusali ng paaralan. Para naman sa lokal na mga daan and foot bridges, ang pinsala ay aabot sa P61 milyon, at para sa dalawang ospital ay P20 milyon, habang nasa P2.9 milyon na halaga naman ang pinsala para sa dalawang gusali ng munisipyo.

Karamihan sa mga gusali ng mga paaralan ay maaari pang maayos, maliban na lamang sa apat ng gusali na ibinigay ng NGO.

Sa ngayon ay inaayos na ni Villar ang alokasyon sa pondong gagamitin para sa pagsasaayos ng mga publikong istraktura na nagkakahalaga ng P150 milyon, at para sa lahat ng mga istraktura na nagkakahalaga naman ng P300 milyon.

Sinabi rin niya na naghahanda na ang DPWH ng mga programa at aksyon na gagawin sa lalong masdaling panahon.

 

PND/Shimei Gandia

 

2 LANE NG LAGUNA LAKE HIGHWAY PROJECT BUKAS NA SA MGA MOTORISTA

2 LANE NG LAGUNA LAKE HIGHWAY PROJECT BUKAS NA SA MGA MOTORISTA
DPWH Secretary Mark A. Villar led on Friday, July 7, 2017, the opening to motoring public of the additional 2 lane at the east bound direction of Laguna Lake Highway. Photo grabbed from DPWH

Opisyal nang binuksan ng Department of Public Works and Highways ang dalawang dagdag na east bound lanes ng Laguna Lake Highway na nagkakahalaga ng P512 milyon.  Ito ang ibinalita ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo.

Ang 3.2-kilometrong kalsada, na bahagi ng Phase 1 at Phase 2 ng Laguna Lake Highway Project, ay magbabawas ng 30 minuto sa isang oras na biyahe galing Taytay, Rizal papuntang Bicutan, Taguig.

 

(PND/Marvin Dela Paz)

JOINT MARITIME PATROL NG PILIPINAS AT INDONESIA, SISIMULAN NA

Kagutuman Sa Pilipinas Bumaba Ng 2 Porsyento
TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO

 

Sisimulan nang isagawa ang joint maritime patrol ng pinagkaisang lakas ng Pilipinas at Indonesia sa darating na Hulyo 6. Ito ang ibinalita Presidential Spokesperson Ernesto Abella nitong Hulyo 3.

Isang send-off ceremony bandang alas otso y media ng umaga sa Hulyo 6 ang nakatakdang isagawa sa Sasa Wharf, Davao City na dadaluhan ng mga Indonesian delegates. Layunin nito na mapalakas ang seguridad ng Davao Gulf at ang boundary ng dalawang nasabing bansa sa bahagi ng Timog Silangang Asya sa Celebes Sea.

Ani Abella, “We aim to improve the interoperability of our forces with the sharing of information and exchange of best practices.”

Nagbigay rin si Abella ng update ukol sa mga donasyon para sa mga gulong natamo ng Marawi City.  Umabot na sa P2,686,870.98 donasyon ang natanggap as of July 3 para sa mga sundalong nakipaglaban, at P616,530.71 naman para sa mga taga-Marawi.

Tinatayang may 1,717 sibilyan na ang nailigtas ng pamahalaan, 336 terorista ang napatay, at may 402 naman na high-powered firearms ng kaaway ang nakuha mula sa labanan.

 

(PND/Angel Sagales)

 

‘TASK FORCE BANGON MARAWI’ NILIKHA PARA SA PAGBAWI, PAGBANGON AT REHABILITASYON NG MARAWI CITY

mindahour070317

 

 

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order (AO) No. 03 na lumikha sa “Task Force Bangon Marawi.”

Ang task force ay pamumunuan ng Secretary of the Department of National Defense (DND).

Ang inter-agency task force ay naglalayon ng pagbawi, muling pagtatatag at rehabilitasyon ng Marawi City at ng iba pang apektadong lugar ng naganap na kaguluhan sa Mindanao.

Kasama sa mga responsibilidad ng Task Force Bangon Marawi ang pag-oorganisa at pagtatalaga ng quick response team, pagsasagawa ng post-conflict needs assessment, pangangasiwa ng pagpapatayo ng mga tirahan para sa mga naapektuhan ng kaguluhan, mabilis na pagsasaayos ng panunumbalik ng mga pampublikong kagamitan, pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente, na nagbibigay ng kapaligirang kaaya-aya sa mga aktibidad ng negosyo at kabuhayan, at pagtiyak sa panunumbalik ng kapayapaan at kaayusan.

Isasagawa ng Task Force Bangon Marawi ang mga tungkulin nito sa koordinasyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Gayunpaman, maaaring humingi ng tulong sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Ang DND secretary, bilang tagapangulo, ay may kontrol sa pangangasiwa at pangkalahatang pananagutan ng Task Force upang matiyak na natutugunan ang mga layunin ng Order.

Maliban sa DND secretary, ang Task Force ay binubuo ng 22 miyembro kasama ang Secretary of Public Works and Highways bilang vice-chair, Armed Forces Chief-of-Staff, Education Secretary, Budget Secretary, Energy Secretary, Health Secretary, at iba pa.

Dagdag dito, ang mga kasapi ng Task Force ay hinahati sa limang sub-committee: Pagbabagong-tatag, Pabahay, Kalusugan at Kapakanang Panlipunan, Negosyo at Kabuhayan, at Kapayapaan at Kaayusan. Maaaring lumikha ito ng iba pang sub-committe para sa kinakailangang pagpapatupad ng order.

Nakasaad din sa AO na: “Task Force Bangon Marawi shall submit monthly progress reports regarding the implementation of this Order to the President, through the Secretary of National Defense, until such time that the objectives of the Task Force have been achieved.”

Samantala, ang Office of the President at ang Office of the Executive Secretary ay naglabas din ng pahayag na nagsasabing ang inisyatiba upang ibalik ang kapayapaan at seguridad sa Marawi City ay hindi limitado sa pagkilos ng militar at pagpapatupad ng batas.

Idinagdag na kinikilala ng pamahalaan ang pangangailangan para sa isang pinag-isa at komprehensibong pagsisikap upang tiyakin ang kumpletong rehabilitasyon ng Marawi City.

“Task Force Bangon Marawi shall ensure that these efforts will provide the springboard for a safer and peaceful Marawi and act as catalyst for developments in Mindanao,” ayon sa pahayag.

(PCO Content/Ana Victoria Cordero)

MANILA-CLARK RAILWAY PROJECT SISIMULAN NA

MANILA-CLARK RAILWAY PROJECT SISIMULAN NA
Photo grabbed from DOTr

 

Nagpapatuloy  ang masiglang pagtatayo ng mga imprastraktura sa bansa sa pamamagitan ng “Build-Build-Build Program” ng Department of Transportation (DOTr).

Ibinalita ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tinukoy na ang unang limang istasyon ng Manila-Clark Railway Project, ang rail project na magkokonekta sa Metro Manila at Central Luzon.

Ang limang istasyon ay itatayo sa Marilao at Meycauayan sa Bulacan, at sa Valenzuela, Caloocan at Tutuban sa Metro Manila.

“Today, while the country is on a holiday, the government – through the Department of Transportation (DOTr) – is still work-work-work in its Build-Build-Build infrastructure program,” pahayag ni Abella nitong Hunyo 26.

Ang 106-km railway project ay magmumula sa Tutuban, Maynila hanggang Clark, Pampanga. Sisimulan na ang pagtatayo nito sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.

May kabuuang 17 istasyon, ang Manila-Clark Railway Project ay inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2021.

Tinataya na ang biyahe mula Maynila hanggang Clark na inaabot ng dalawang oras ay magiging 55 minuto na lang kapag natapos ang proyekto. Nasa 350,000 pasahero araw-araw ang makikinabang sa unang taon ng proyektong ito.

 

(PND/MMPM.news)

 

BRP DAVAO DEL SUR MALAKING TULONG SA OPERASYON NG MILITAR SA MARAWI  

BRP DAVAO DEL SUR MALAKING TULONG SA OPERASYON NG MILITAR SA MARAWI
File: President Rodrigo Roa Duterte poses for a photo with (from left) Philippine Air Force Commander Lt. Gen. Edgar Fallorina, Armed Forces Chief of Staff of Lt. Gen. Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Philippine Navy Commander Vice Admiral Ronald Mercado, Philippine Army Chief Lt. Gen. Glorioso Miranda, and Eastern Mindanao Command Chief Lt. Rey Guerrero outside the Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Davao del Sur following its commissioning during the 119th Anniversary of the Philippine Navy at the Sasa Wharf in Davao City on May 31, 2017. ROBINSON NIÑAL JR./Presidential Photo

 

Ipinadala ng Philippine Navy ang BRP Davao del Sur sa Cotabato.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, magiging malaking tulong ang BRP Davao del Sur sa isinasagawang military operations upang sugpuin ang mga rebelde sa Marawi. Bukod sa paghahatid ng military supplies at relief goods, ang barko ay gagamitin din bilang floating medical facility upang gamutin ang mga sugatan.

Handa ring magbigay ng suporta kung kinakailangan ang BRP Davao del Sur kapag sinimulan na ang pagsasaayos ng mga nasirang kabahayan at mga gusali sa Marawi.

 

(PND/Patrisha Bagalso)

 

EO 27 NILAGDAAN NI PANGULONG DUTERTE PARA SA PAGPAPATUPAD NG MEDIUM-TERM DEVELOPMENT PLAN

EO 27 NILAGDAAN NI PANGULONG DUTERTE PARA SA PAGPAPATUPAD NG MEDIUM-TERM DEVELOPMENT PLAN

INIUTOS ng Malacañang nitong Hunyo 5, 2017 ang pagpapatupad sa bagong medium-term development plan ng bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 1, 2017 ang Executive Order No. 27 na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng gobyerno, kasama ang mga government-owned or -controlled corporation (GOCCs) at ang local government units (LGUs), na ihanay ang kanilang mga programa, badyet at estratehiya sa Philippine Development Plan (PDP) at Public Investment Program (PIP) para sa  2017-2022.

Ang PDP 2017-2022 ay ang kauna-unahang medium-term development plan na ipinatupad sa isinusulong na Ambisyon Natin 2040—upang makamit ang panloob na paglago ng ekonomiya sa bansa, na magbibigay-daan upang mabago ang Pilipinas bilang isang globally competitive knowledge economy.

Samantala, ang PIP 2017-2022 ay naglalaman naman ng mga prayoridad na programa at proyekto na ipatutupad ng pamahalaan at mga kaagapay na ahensya nito, kabilang na ang GOCCs, na tutulong sa pagkakamit ng mga layunin na nakapaloob sa PDP, sa loob lamang ng katamtamang panahon. Ito ay inaasahan na makukumpleto sa darating na Hulyo ngayong taon.

Sa ilalim ng EO 27 ay itinalaga ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pamumuno ni NEDA Director-General and Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, upang tiyakin ang pagsunod, pag-aralan ang mga kinalalabasan, alamin ang resulta  at magtakda ng mga patakaran para sa pagpapatupad ng PDP at PIP 2017-2022.

Nakasaad din sa EO na, “The NEDA Secretariat shall work together with various implementing agencies for the prioritization and sequencing of identified strategies, policies, programs, and projects, including proposed legislation. The monitoring of outcomes and implementation shall be reported regularly to the appropriate NEDA Board Committees, existing Cabinet Clusters, and Inter-Agency Committees of the government.”

Batay pa rito, “All heads of departments, offices, and instrumentalities of the national government, including GOCCs, are hereby directed to submit to the NEDA Board, through the NEDA Secretariat, the agency performance / accomplishment reports with respect to the outcomes and outputs identified in the PDP and PIP, in the format and frequency prescribed by the NEDA Secretariat. The NEDA Secretariat shall prepare the Socioeconomic Report to present the accomplishments of outputs and outcomes and recommend policy directions for moving forward.”

Kaugnay naman sa pondo, inatasan ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagtukoy ng kakailanganing halaga sa pagpapatupad ng naturang Order.

Ayon pa sa EO, ang taunang pondo na ilalaan ay ihahanda batay sa regular na proseso ng pagbabadyet ng pamahalaan at isasama rin sa badyet ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng General Appropriations Act.

(PCO-Content/Johara Maligang)

eo-27-a eo-27-b eo-27-c