Usapang negosyo’t pangkabuhayan, si Langgagawa po ang inyong maaasahan!

Katulad ng maghapong pagkayod ni Juan, si Langgagagawa ay wala ring hinto
sa pagtatrabaho para sa ekonomiya ng bayan.

Siya ang makatutulong sa atin sa mga usaping pinansyal,
magbibigay-payo sa mga patok na negosyo at mga latest sa kalakalan
— lokal man ‘yan o sa dayuhan.

Sama-sama nating i-welcome si Langggagawa para sa pag-unlad
ng buhay ng mamamayan.

Videos

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION NANGUNA SA ‘KILOS SAMBAYANAN’ FORUM

The “Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)” event at Bureau of Soils and Water Management, Quezon City on October 20, 2017.
The “Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)” event at Bureau of Soils and Water Management, Quezon City on October 20, 2017.

Ginanap ang “Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)” sa Bureau of Soils and Water Management, Quezon City nitong October 20, 2017. Ito ay pinangunahan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kasama ang Human Development and Poverty Reduction (HDPRC), Philippine Information Authority (PIA) at Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Layunin ng nasabing forum na maipaliwanag sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno na makatutugon sa kanilang pangangailangan sa pagkain, lupa at pabahay.

May 10 pangunahing pangangailangan na tinukoy ang NAPC: pagkain at land reform, patubig, pabahay, hanapbuhay at national industrialization, healthcare, edukasyon, social protection, healthy environment, kapayapaan at partisipasyon ng tao.

Ang #KilosSAMBAYANAN ay isang kampanya na pinangungunahan ng NAPC upang matugunan ang sampung pangangailangan ng tao lalo na ng mga mahihirap, matulungan ang lahat ng sektor ng lipunan at magsilbing sukatan ng epekto ng mga programa ng pamahalaan sa buhay ng mga mahihirap.

Ang forum ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno: Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Philippine Commission on Women (PCOW), National Economic and Development Authority (NEDA), at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Ang kampanyang ito ay unang inilunsad sa Delpan, Binondo, Manila noong July 16, 2017.

(MMPM/Victoria Cordero)

MALAYSIAN TERRORIST KUMPIRMADONG PATAY NA

Malaysian lecturer turned-militant Dr Mahmud Ahmad. Photo source: The Star/Asia News Network.
Malaysian lecturer turned-militant Dr Mahmud Ahmad. Photo source: The Star/Asia News Network.

Kinumpirma ni AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr.  ang pagkamatay ng Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad na gumastos sa mga terorista sa Marawi. Nasa proseso na rin umano ang militar sa pagbawi ng katawan ng terorista.

Ayon kay Padilla, napatunayan ang pagkamatay ni Mahmud sa pamamagitan ng first-person account ng hostage na personal na kakilala ng terorista. “He died during the assault of our troops the other day – or the other night, where 12 other rebels died. And we are (in) the process of recovering the body of Dr. Mahmud.”

(PND/Angel Sagales)

WALANG ‘SAGRADONG OPISYAL’ SA DUTERTE ADMINISTRATION

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the launch of CGY which is the 7th domestic hub of Cebu Pacific at the Laguindingan Airport in Misamis Oriental on October 20, 2017, reiterates that his mandate is to uphold the law regardless of social status. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the launch of CGY which is the 7th domestic hub of Cebu Pacific at the Laguindingan Airport in Misamis Oriental on October 20, 2017, reiterates that his mandate is to uphold the law regardless of social status. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO.

Kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inalis niya sa puwesto ang undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa mga paratang ng katiwalian, nilinaw ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang press briefing na ito ay nagpapakita na walang sagradong opisyal ng pamahalaan sa ilalim ng Administrasyong Dutete.

“The President’s action highlights that no government official is sacred under this administration,” anang tagapagsalita ng Pangulo.

Dagdag pa niya, “Let this be a reminder to all public officers that we are all here not for ourselves but for the greater good.”

(PND/ Angel Sagales)

MARTIAL LAW SA MINDANAO HINDI PA AALISIN

A member of Task Force Davao performs a search on a bus passenger’s backpack at a checkpoint in Lasang, Davao City on Wednesday (24 May 2014) as the city tightens security following the declaration of martial law for the whole of Mindanao by President Rodrigo Duterte. MindaNews photo by Manman Dejeto.
A member of Task Force Davao performs a search on a bus passenger’s backpack at a checkpoint in Lasang, Davao City on Wednesday (24 May 2014) as the city tightens security following the declaration of martial law for the whole of Mindanao by President Rodrigo Duterte. MindaNews photo by Manman Dejeto.

Muling inulit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang pahayag ng Pangulo na ang batas militar sa Mindanao ay hindi pa aalisin hangga’t ang huling terorista ay hindi pa nawawala.

Ani Abella, ang kamatayan ng mga pinuno ng mga terorista, kabilang sina Omar Maute, Isnilon Hapilon, at si Mahmud Ahmad, ay hindi dahilan upang agarang alisin ang martial law.

“There are remnants, including networks supporting the Maute – the Maute cause within Mindanao. The President is duty-bound not to compromise public safety,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag din niya na ipapaubaya pa rin ng Pangulo sa miyembro ng Cabinet Security, at sa Justice at Peace Cluster ang pagdedesisyon sa usaping ito.

Aniya, tatalakayin ng Pangulo sa Secretary of National Defense na siyang itinalagang tagapangasiwa ng martial law, at sa AFP Chief of Staff, na siyang itinalagang tagapagpatupad ng batas militar, ang ukol sa mga kinakailangang aksyon.

(PND/Angel Sagales)

MGA KAMAG-ANAK NINA ISNILON HAPILON AT OMAR MAUTE, SUMUSUKO NA SA PAMAHALAAN

Philippine soldiers patrol along a village near a highway in Maguindanao province on Wednesday on the island of Mindanao, after almost a week of attacks on members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. | AFP-JIJI.
Philippine soldiers patrol along a village near a highway in Maguindanao province on Wednesday on the island of Mindanao, after almost a week of attacks on members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. | AFP-JIJI.

Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong ika-20 ng Oktubre ang ginawang hakbang ng mga kamag-anak nina Isnilon Hapilon at Omar Maute na isuko ang kanilang sarili at mga armas sa pamahalaan.

“We are happy to note that there is some sense entering into the minds of all these relatives who bear arms and who have been part of the network. And as the days go by, let this be (the) good message to all these armed individuals and armed elements,” ani AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr. sa regular na Mindanao Hour press briefing sa Malacañang.

Dagdag pa niya, “Maging magandang mensahe po sana itong mga nangyayari sa Marawi na talagang determinado ang Armed Forces at ang ating pamahalaan na i-address lahat ng mga armadong grupo upang talagang manatiling safe ang ating mga kanayunan at ang ating mga siyudad.”

Nanawagan din ang tagapagsalita ng AFP sa publiko na makipagkooperasyon sa pamahalaan ukol sa mga loose firearms.

“Hangga’t hindi po naibabalik at naisu-surrender lahat ng mga loose firearms, ‘yung mga armas na hindi dapat nasa kamay ng mga tao na wala namang lisensya at hindi naman dapat naghahawak ng armas, dapat makuha po natin lahat ‘yan, nang sa ganoon, masabi nating ganap na maayos ang ating mga komunidad,” ani Padilla.

Inianunsyo rin niya ang matagumpay na pag-rescue sa 10 hostages. “With the number of hostages that have been rescued in the last 24 hours, we look forward to getting the rest of the hostages and [to] addressing the armed threat that still exists. We are giving it our best and we’re doing all that we can so that we can end these hostilities in this part of Marawi.”

At kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalayaan ng Marawi, inihayag ni Padilla na ibabalik na muli ang mga militar sa kani-kanilang lugar upang magsagawa ng mga training at battalion activities. “They will also be going back to Luzon for a much-needed break and for their long-delayed training in Fort Magsaysay and in other camps of the Philippine Army to enhance their skills and prepare them for their next mission.”

Nilinaw rin niya na may ilan pa ring naiwang sundalo sa Marawi City upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa oras ng rehabilitasyon ng lugar. “Most of this will be dependent also in the key sector or areas in Marawi that they are holding. If these are relatively safe, then we will free up our units to depart.”

Hiningi naman ni Padilla ang pang-unawa ng mga taga-Marawi na gustong bumalik sa kani-kanilang tahanan.

Aniya, hindi pa rin pinapayagan ang mga ito na bumalik hangga’t hindi pa natatapos ang clearing operations ng AFP.

Kinakailangang malinis muna ang bawat sulok ng lugar sa posibilidad na mayroon pa ring mga natitirang explosive devices (IEDs), mga patibong, at ibang uri ng mga pasabog bago bumalik ang mga taga Marawi.

Aniya, “Kinakailangan hanapin po natin lahat ng naiwang mga bomba na hindi pumutok, mga patibong na iniwan na hindi po namin nakita, at mga bagay na maaaring makasakit sa inyo.

“Kaya hinihingi po namin ang pasensya at pag-unawa ng lahat. Pag oras na po na kami’y ganap na sigurado na hindi na po talaga ito magiging balakid, kami po’y magbibigay ng senyales at makikipag-ugnayan sa local government upang pahintulutan na po ito.”

(PND/Angel Sagales)

MGA PROBLEMA NG ASEAN MEMBERS, TINALAKAY NI PANGULONG DUTERTE SA ASEAN HIGH-LEVEL FORUM

President Rodrigo Roa Duterte engages in a discussion with former Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva and Former President Gloria Arroyo  who paid a courtesy call on the President on the sidelines of The High Level Forum on ASEAN @50 at the Conrad Manila Hotel in Pasay City on October 19, 2017. Joining the President are Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano and Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go. REY BANIQUET/PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte engages in a discussion with former Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva and Former President Gloria Arroyo who paid a courtesy call on the President on the sidelines of The High Level Forum on ASEAN @50 at the Conrad Manila Hotel in Pasay City on October 19, 2017. Joining the President are Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano and Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go. REY BANIQUET/PRESIDENTIAL PHOTO.

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte nitong ika-19 ng Oktubre sa High-Level Forum bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN kung saan kinilala niya ang mga naging kontribusyon ng asosasyon sa pag-unlad ng buong rehiyon.

“I wish to thank the organizers of this High-Level Forum on ASEAN at 50 for inviting me to this very meaningful gathering,” anang Pangulo sa harap ng mga nakiisa sa nasabing forum.

Aniya, ang mga naging pagpupulong ng mga lider ng ASEAN ay nakapaghatid ng mahahalagang kontribusyon sa pagbabago at pag-unlad ng buong ASEAN community, at ang pagkakakilanlan sa rehiyon at sa iisang layunin nito.

May malaking ginagampanan din aniya ang ASEAN sa pagtitiyak ng seguridad at katatagan ng Asya kung saan nararamdaman na ito, ayon sa Pangulo, sa 50 taong nagdaan.

Inihayag din niya na ang kasalukuyang pagbabago sa Korean Peninsula ang sumubok sa ASEAN upang mapanatili ang kapayapaan at upang matiyak ang seguridad sa rehiyon.

“That is why we remain committed in working closely with our international partners in maintaining stability in the Korean Peninsula,” pagpapaliwanag ng Pangulo.

Sa usaping pang-ekonomiya naman, sinabi niya na patuloy pa rin na nagsusumikap ang rehiyon na magkaroon ng isang malawak at rules-based market kung saan ang mga negosyo, lalo na ang micro, small at medium enterprises ay tiyak na magtatagumpay.

Ibinahagi rin ng Pangulo na nakatakdang magkita-kita ang mga lider ng ASEAN at ang Dialogue Partners nito sa darating na Nobyembre para sa 31st ASEAN Summit upang muling pagtibayin ang kanilang mga napagkasunduan sa pagpapanatili ng regional peace and stability, pagkakamit ng maritime security and cooperation, pagtitiyak ng advance inclusive innovation-led growth, at pagpapatibay sa region’s resiliency, at ang pagkilala sa ASEAN bilang global player and a model of regionalism.

Nais din umano ng mga lider, ayon sa Pangulo, na makita ang mahahalagang pagbabago sa negosasyon sa pagkakatatag ng Regional Comprehensive Economic Partnership.

At dahil malapit ng matapos ang pagiging Chair ng Pilipinas sa ASEAN, anang Pangulo, “It is our shared hope [that] our gains will become part of our continuing commitment to ASEAN and the principles for which it stands for. I therefore call on our fellow ASEAN leaders to empower our peoples by making them understand the importance of ASEAN in their lives, [how] its past gains have directly contributed to their well-being, and how the realization of its goals will make their lives better.” Nanawagan din ang Pangulo sa mga bansang kasapi ng ASEAN sa isang mas matatag na kooperasyon at pagbabago sa kalakaran at sinabing ang asosasyon ay maaaring matuto mula sa ibang samahan gaya ng European Union kung saan sinabi niya na kung nakakaya ng EU ay tiyak na makakaya rin ng ASEAN.

Ang mga problema sa kalakaran, ayon sa Pangulo ay nararapat din na masolusyonan lalo na ang mga hadlang na ipinapataw ng European at American markets sa ASEAN products.

“I dream of a time when we can treat the other countries or the cartel of other nations equally on our own terms also. I hope that ASEAN will grow strong and solve the problems — the serious problems confronting us,” aniya.

Ang isyu sa South China Sea ay nararapat din umano na maresolbahan sa mapayapang pamamaraan.

Nabanggit ng Pangulo ang ukol sa laganap na piracy at terorismo sa Malacca Strait, kung saan inihayag niya ang mga epekto nito sa regional trade. Ang ganitong kadelikadong sitwasyon ay kinakailangan aniya ng malaking aksyon.

“I hope to talk with the leaders of these countries and we’re willing to put our resources together with theirs to find a solution,” ani President Duterte.

Dumalo rin sa High-Level Forum on ASEAN at nakasama ng Pangulo sina dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at dating Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva, na mga dati ring ASEAN leaders.

Kasama ng Pangulo sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Bong Go, at Bohol Representative Arthur Yap.

(PND/Angel Sagales)

MALACAÑANG: LABAN KONTRA TERORISMO HINDI PA TAPOS

Karen Aizha Hamidon, ISIS Recruiter. Photo source: rmn.ph.
Karen Aizha Hamidon, ISIS Recruiter. Photo source: rmn.ph.

Nabahala ang Palasyo matapos maaresto si Karen Aisha Hamidon ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong ika-18 ng Oktubre dahil hindi pa umano tapos ang laban dahil sa laki ng bilang ng mga terorista.

“Our efforts to hunt down extremist elements who want to sow fear and terror and to maintain peace and order in the community as we call on our people for their vigilance and cooperation to inform authorities on possible threats to public safety,” ani Abella.

Si Hamidon ay biyuda ni Mohammad Jaafar Maguid, ang most wanted man sa Sarangani at dating lider ng Ansar Khalifa Philippines, ang grupo sa likod ng pagpapasabog sa Davao City noong nakaraang taon.

Hinihinalang si Hamidon ang Daesh-Maute recruiter na gumagamit ng online messaging application upang hikayatin ang mga foreign terrorist na sumali sa grupo ng mga Maute sa Marawi City upang labanan ang pamahalaan.

Samantala, tinitiyak pa rin ng mga militar ang balita na patay na si Mahmud Bin Ahmad, isang Malaysian na nagpondo sa grupo ng mga Maute noong kasagsagan ng gulo sa Marawi.

“Once government troops recover the body, only then can we make an official confirmation,” ani Abella.

(PND/Angel Sagales)

MATAAS NA GOVERNMENT SPENDING INDIKASYON NA NAIHAHATID ANG SERBISYO SA PUBLIKO

Presidential Communications Spokesperson Ernesto Abella. PCOO photo.
Presidential Communications Spokesperson Ernesto Abella. PCOO photo.

Inihayag ng Palasyo na tumaas ang government spending nitong buwan ng Agosto.

“Spending reached P201 billion in August from 177 billion in August 2016 and January, August spending rose 9.8 percent to 1.78 trillion,” ani  Presidential Spokesperson Ernie Abella.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo, “We are glad double-digit underspending is over and your government is now delivering the services you paid for with your taxes.”

Ang pagtaas umano ng kita dahil sa buwis ay makatutulong upang mapadali ang pagsasagawa ng mga proyektong pang-imprastratura na magdudulot ng trabaho at maayos na buhay sa bawat isang Filipino.

(PND/Angel Sagales)