Magandang buhay! Tanong sa kalusugan at kagandahan?
Si Beautifly ang magbibigay-shine sa bayan!

Sabi nga nila, ang malusog at masiglang pamayanan
ay tinatahak niyang daan patungo sa kaunlaran.

Diyan natin maaasahan ang powers ni Beautifly —
ang magbibigay ng kaalaman sa mga usaping pangkalusugan.

Lagi rin siyang in sa latest at trending topic tungkol sa beauty essentials.

Ready na si Beautifly to make the town shine para ang bayan,
aim high sa tagumpay!

Videos

PANGULONG DUTERTE AT MISUARI TINALAKAY ANG SITWASYON SA MINDANAO

PANGULONG DUTERTE AT MISUARI TINALAKAY ANG SITWASYON SA MINDANA
President Rodrigo Roa Duterte discusses matters with Moro Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari and his wife Tarhata after the meeting with the MNLF and Government of the Philippines Implementing Panels at the President's Hall in Malacañan Palace on July 18, 2017. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

 

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro National Liberation Front upang talakayin ang sitwasyon sa Mindanao nitong Hulyo 18 sa Malakanyang.

Sa naging mensahe ni MNLF Chairman Nur Misuari kay Pangulong Duterte, sinabi niya na kinakatawan niya ang mga Muslim sa Mindanao partikular na ang mga taga-Sulu.

Ani Misuari, ang pakikipagpulong niya sa Pangulo ay bilang pagsunod sa mga nakaraang pag-uusap para sa mga kinahaharap na plano kasama ang Armed Forces of the Philippines upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Bilang tugon, sinabi ng Pangulo na handa na siyang isakatuparan ang federal setup ng gobyerno para sa bansa upang maitama ang mga kawalan ng hustisya sa Mindanao at upang magtamo ng kapayapaan ang buong rehiyon.

Kasama sa nasabing pulong sina Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Jesus Dureza, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Kasama naman ni Misuari ang kanyang asawa na si Tarhata Misuari, MNLF Vice Chairman Abdulkarim Misuari, at MNLF Secretary General Murshi Ibrahim.

 

(PND/Angel Sagales)

 

FEDERALISMO TINALAKAY NINA PANGULONG DUTERTE AT MGA LIDER NG CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

FEDERALISMO TINALAKAY NINA PANGULONG DUTERTE AT MGA LIDER NG CORDILLERA AUTONOMOUS REGION
President Rodrigo Roa Duterte addresses the leaders from the Cordillera Autonomous Region during a meeting at the Heroes Hall in Malacañan Palace on July 18, 2017. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

 

Tinanggap  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ang mga lider mula sa Cordillera upang pag-usapan ang tungkol sa awtonomiya at ang mga isyu na kinakaharap ng rehiyon nitong Hulyo 18.

Si Mayor Mauricio Domogan ng Baguio City ang kumatawan sa mga pinuno mula sa rehiyon ng Cordillera. Ayon sa alkalde, bumisita sila sa Malacañang upang maghain sa Pangulo ng tatlong pangunahing isyu.

Ang unang isyu, ayon kay Domogan, ay ang rehiyunal na awtonomiya. Sinabi niya kay Pangulong Duterte na ang mga taga-Cordillera ay nagkakaisa tungo sa pagpapatupad ng awtonomiya.

Hiniling ni Domogan sa Pangulo na maaprubahan na ang House Bill No. 5343 (“An Act Establishing the Autonomous Region of the Cordillera or ARC”).

Ang House Bill No. 5343 ay sinusuportahan ng lahat ng mga kinatawan ng pitong mga distritong kongresyon ng Cordillera. Ayon kay Domogan, ang panukalang batas ay ang kinabukasan ng kanilang rehiyon at ang pag-asa para sa kanilang mga anak.

Hiniling din niya na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng programang pang-imprastraktura. Ngayon 2017, sinabi ni Domogan na 183.3 kilometro ng kalsada sa Cordillera ay hindi pa aspaltado.

Aniya, ang kanilang national roads ay nangangailangan ng alokasyon na P3.74 bilyon habang ang mga local roads ay nangangailangan ng P1.47 bilyon. Humingi na umano siya ng tulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang isa pang isyu na tinalakay ni Domogan ay ang mordenisasyon ng Loakan Airport. Nais ng mga pinuno sa Cordillera ang modernisasyon ng nag-iisang paliparan sa rehiyon sapagkat ito ay mahalaga sa kalakalan, agrikultura at turismo.

Binigyang-diin din niya na ang paliparan ay isang mahalagang imprastraktura sa Baguio City-manufactured export products at kritikal para sa lifeline sa panahon ng sakuna.

Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Duterte na ang matagal na pananakop sa bansa at  ang pagkopya sa unitary type of government ay nagresulta sa hindi pantay na pag-unlad ng Pilipinas.

Naniniwala ang Pangulo na itatama ng isang federal na setup ang hindi pagkakapantay-pantay na ito at sa kalaunan ay magiging progresibo ang bansa. Nagbabala rin siya na kung ang mga adhikain ng mga Muslim na Pilipino ay napapabayaan, ang bansa ay hindi makakamit ang kapayapaan.

Sa isyu naman sa imprastraktura, ayon sa Pangulo ay dapat makipagtulungan ang mga taga-Cordillera kay DPWH Secretary Mark Villar.

 

 

(PND/Ana Victoria Cordero)

PANGULONG DUTERTE SA MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN:  MAGLINGKOD NG TAPAT AT UMIWAS SA MARANGYANG PAMUMUHAY AT KATIWALIAN

President Rodrigo Roa Duterte administers the oath of office for presidential appointees and officials from various agencies at the Rizal Hall of Malacañan Palace on July 17, 2017. KING RODRIGUEZ/PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte administers the oath of office for presidential appointees and officials from various agencies at the Rizal Hall of Malacañan Palace on July 17, 2017. KING RODRIGUEZ/PRESIDENTIAL PHOTO

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees and officials mula sa mga sangay ng gobyerno. Pinaalalahanan din niya ang mga ito na maging mabait habang naninilbihan sa sambayanang Pilipino.

Matapos ang oath-taking, pinayuhan ng Pangulo ang mga opisyal na tularan ang kanyang pamumuno sa pamamagitan ng pag-iwas sa marangyang pamumuhay at maging tapat sa paggastos ng pera ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, may ilang mga pangunahing batayan sa panunungkulan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Una, ayaw niya ng katiwalian. Pangalawa, huwag ipagyayabang sa publiko ang pera at magarbong pamumuhay ng mga opisyal ng pamahalaan.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga opisyal na iwasan ang paggamit ng mga luxury cars, gayundin ang pagsakay sa business class kung magbibiyahe sa eroplano.

Binigyang-diin din niya ang kanyang pangako na aalisin ang katiwalian sa gobyerno at lilinisin ang bansa sa iligal na droga.

Nangako rin siya na walang “sacred cows” sa kanyang pamahalaan sapagkat hindi siya magdadalawang isip na alisin sa puwesto ang tiwali na mga opisyal.

“Alam mo, magkaibigan tayo lahat kasi kung hindi tayo magkaibigan, hindi ko kayo i-appoint. Pagka nagkamali kayo ng corruption, talagang babanatan ko kayo,” aniya.

“Dito sa Malacañan ito, I never signed anything about money. Maghanap kayo ng voucher diyan o ano, wala kayong makikita kasi tapusin ko ito na — ‘yung pangako ko sa tao. Panindigan ko talaga ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa huli, sinabi ng Chief Executive na inaasahan na niya na dadami ang magsasalita na kanyang mga kritiko laban sa kanyang mga patakaran sa kriminalidad at iligal na droga ngunit hindi daw niya iyon palalampasin.

“I expect them to criticize me again. But I will not take it sitting down,” ayon sa Pangulo. “I said, ginagawa ko ito para sa bayan ko… Ako, ang oath of office ko, pati inyo, ganito ‘yan… It just says, ‘I, Rodrigo Duterte, will do everything to preserve and defend the Filipino people’.”

 

(PND/Rosalie Catacutan-Periabras)

MGA SUGATANG SUNDALO SA JOLO GINAWARAN NG PARANGAL NI PANGULONG DUTERTE

MGA SUGATANG SUNDALO SA JOLO GINAWARAN NG PARANGAL NI PANGULONG DUTERTE
President Rodrigo Roa Duterte congratulates First Lieutenant Niño Paner after the latter was awarded with a wounded personnel medal during the President's visit to Camp Teodulfo Bautista Station Hospital in Jolo, Sulu on July 15, 2017. Paner was one of the soldiers wounded in an encounter with the Abu Sayyaf Group on July 8, 2017. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu nitong Hulyo 15 upang personal na makita ang mga sundalong nasugatan dahil sa bakbakang naganap noong Hulyo 8.

Napasabak ang mga sundalo sa grupong Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Almujer Yada sa Brgy. Darayan, Patikul, Sulu.

Personal na pinarangalan ni Pangulong Duterte ng Wounded Personal Medal (WPM) sina 1Lt. Niño John Paner; Lt. Ian Solatre; Cpl. Jeric Ghil Villaruz; Cpl. Alan Bartolome; PFC Rhenievon Saliw-an; PFC Jeremy Ganagan; PFC Jaifryll Tamayo; PFC Reynan Maristela; PFC Vergel Bali; PFC Polard Banggawan; Pvt. Tonie Mar Talatayud at Pvt. John Paul Annang.

Nagpapagaling ang mga sundalo sa bagong tayong Camp Teodulfo Bautista Station Hospital (CTBSH).

Ang CTBSH ay isa sa mga unang  ospital ng militar na nakatamasa ng malaking upgrade na ipinangako ng Pangulo sa Armed Forces.

(PND/Marvin S. De la Paz)

DSWD, NAMAHAGI NG PAGKAIN AT HYGIENE KITS SA MGA PAMILYANG BIKTIMA NG LINDOL

In photo Sec. Judy Taguiwalo‏ consulting residents affected by the July 6 earthquake in Ormoc. People are worried & afraid to return to their houses. Photo grabbed from Sec. Judy Taguiwalo‏'s Twitter
In photo Sec. Judy Taguiwalo‏ consulting residents affected by the July 6 earthquake in Ormoc. People are worried & afraid to return to their houses. Photo grabbed from Sec. Judy Taguiwalo‏'s Twitter

Ipinahayag ni Department of Social Welfare and Development Secretary-Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang DSWD ay namahagi ng food packs at hygiene kits sa mga internally displaces persons (IDPs) sa Ormoc City, Leyte, habang ang local government units (LGUs) naman ang nangangasiwa sa mga evacuation centers.

Sinabi ng Kalihim na sa tulong ng LGUs ay mas pinaigting pa ng DSWD ang pagsisikap na matulungan ang mga apektadong pamilya.

Samantala, sinabi rin niya na magbibigay ng cash assistance na P5,000 ang DSWD, maging ang burial assistance para sa mga namatayan. Nagbigay rin ang ahensya ng medical assistance para sa mga nasugatan.

Ipinabatid din ni Taguiwalo na sa ngayon ay tinitingnan na ng DSWD ang paglilipat-bahay at emergency shelter assistance, binabanggit din niya ang mga kakailanganing koordinasyon mula sa mga LGUs para malaman kung ilan ang nanngangailangan ng emergency shelter assistance at ilan ang kailangan mailipat dahil ang lokalikad ay nasa “No-Build Zone” o danger zone.

 

PND/Shimei Gandia

PANGULONG DUTERTE NAKIRAMAY SA PAMILYA NG NAMAYAPANG PCSO BOARD MEMBER

PANGULONG DUTERTE NAKIRAMAY SA PAMILYA NG NAMAYAPANG PCSO BOARD MEMBER
President Rodrigo Roa Duterte pays his last respects to the late Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Atty. Loreto Ata during his wake visit to the Loyola Memorial Chapel in Makati City on July 10, 2017. REY BANIQUET/PRESIDENTIAL PHOTO

Nagbigay ng huling pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Atty. Loreto Ata noong Lunes, Hulyo 10.

Dumating ang Pangulo sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Makati City, 11:54 ng gabi, upang personal na makidalamhati sa naiwang pamilya ni Ata.

Nag-alay ng mataimtim na dasal ang Pangulo para kay Ata, na namatay sa cardiac arrest noong Hulyo 7. Dalawang taon siyang nakipaglaban sa lung cancer.

Si Ata ay nakasama ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Medialdea Ata Bello Guevarra & Suarez Law Firm.

Pumunta rin sa lamay sina Medialdea, Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar at si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

 

(MMPM.News/Marvin Dela Paz)

UNANG YUGTO NG REHABILITASYON NG MARAWI SISIMULAN NA

Press Briefing with PCOO Assistant Secretary Ana Maria Banaag and AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla
Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla provides updates on the ongoing anti-terror operations in Marawi City during the Mindanao Hour press briefring at the Kalayaan Hall of Malacañan Palace on July 10, 2017. Padilla said the soldiers are in high morale due to the support of the public and the recovery efforts for the residents of Marawi City are underway. Also in the photo is Presidential Communications Assistant Secretary Ana Maria Banaag. EXEQUIEL SUPERA/PRESIDENTIAL PHOTO

Handa na ang gobyerno upang simulan ang unang yugto ng rehabilitasyon ng Marawi City na nakatuon sa pagbabalik ng mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente, tubig, kalinisan, kalusugan at edukasyon.

Ayon kay Brigadier Gen. Restituto Padilla Jr., ang Inter-Agency Task Force Bangon Marawi ay nakatakdang magpulong ngayong linggo “to lay the groundwork for the planning and the scheduling of all the work” na kinakailangan para sa panimulang yugto ng pagsasaayos.

“The early recovery stage is going to occur even while hostilities are ongoing. And this early recovery stage will pave the way for the preparation of the ground for the temporary resettlement area while Bangon Marawi is capacitating itself and organizing itself to embark on the full recovery at the end of hostilities,” pagbabalita ni Padilla ng sitwasyon ng Marawi sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang nitong Hulyo 10.

Ayon sa opisyal, magpapatuloy ang gobyerno sa unang plano nito na magtayo ng mga tolda para magkaroon ng pansamantalang tutuluyan ang mga bakwit.

Nilinaw niya na ang Task Force ay naghahanap ng paraan upang makagawa ng “single detached cottage” para sa mga lokal na nawalan ng bahay dahil sa giyera sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Maute terror group.

“So, hoping to make that as a six months to one year transition dwelling for many of the residents until such time that the areas that they used to live will have been reconstructed and rehabilitated,” ani Padilla.

“Primary attention and focus for the rehabilitation, of course, will go to the basic services, initially. And what are these? The restoration of power, the restoration of water, the provision of safe drinking water and sanitation, and restoration of health services, and also educational services,” dagdag pa niya.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tinatapos na ang preparasyon para sa pagde-deploy ng mga “well-experienced” engineers galing sa AFP Engineering Units upang makatulong sa isasagawang rehabilitasyon lalo na ang pagpapanumbalik ng mga pampublikong gusali tulad ng mga paaralan, mosques, multi-purpose centers, farm-to-market roads at health centers, at iba pa.

Ang Department of Education ay kasamang tumutulong sa mga contractors sa pag-angkat ng mga materyales na kakailanganin sa pagbubuong muli at pagsasaayos ng mga paaralan sa Marawi City.

Ipinagtanggol naman ni Padilla ang mga sundalong kasama sa mga clearing operations sa Marawi na inakusahan ng pagnanakaw sa mga ari-arian at mga mamahaling gamit tulad ng mga appliances, pera at alahas.

Aniya, ang mga kagamitang nakuha ng mga sundalo ay isinuko sa mga may ari, at ang mga kabahayan at establisimyento naman na hindi nila mabantayan ay iniutos na ikandado.

Nabanggit niya na ang moral ng mga sundalo ay nananatiling mataas dahil sa suporta ng publiko. “And as a result of that, our troops are continuously forward-looking, hoping and looking forward to resolve this issue or this incident in Marawi at the soonest time possible.”

 

(PND/Marvin Dela Paz)

 

 

DONASYON PARA SA MGA SUNDALO AT BAKWIT SA MARAWI TULOY SA PAGDAGSA

Press Briefing with PCOO Assistant Secretary Ana Maria Banaag and AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla
Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla provides updates on the ongoing anti-terror operations in Marawi City during the Mindanao Hour press briefring at the Kalayaan Hall of Malacañan Palace on July 10, 2017. In photo is Presidential Communications Assistant Secretary Ana Maria Banaag. EXEQUIEL SUPERA/PRESIDENTIAL PHOTO

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang nitong Hulyo 10 ay sinabi ni Communications Office Assistant Secretary Marie Banaag na umakyat na sa 379 mula sa 353 ang bilang ng mga napapatay na terorista sa Marawi.

Umangat din sa 451 ang bilang ng mga nasabat na matataas na kalibre ng baril, o dagdag na 25 na baril sa kabuuan.

Tinatayang 89 mula sa hanay ng militar ang sugatan habang 39 sibilyan ang napatay, at 1,723 naman ang nailigtas.

Nabanggit din sa press briefing na ang donasyon para sa mga biktima sa Marawi ay umabot na sa kabuuang P3,223,490.98 para sa mga sundalong napapatay sa giyera at P765,727.21 naman para sa mga bakwit.

Nagkaloob din ang Philippine Airlines Foundation ng tseke bilang donasyon na nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

(MMPM.News/Marvin Dela Paz)