Inang Kalikasan, ating alagaan. Samahan si Alikasan sa pagsagip sa kapaligiran.

Makiisa sa krusada ni Alikasan at siguradong hindi niya tayo bibiguin
sa biyaya ni Inang Kalikasan. Sumama tayo sa kanyang panawagan
sa pagkalinga sa ating mga likas-yaman.

Mawawala na ang mga mapang-abuso sa mga kagubatan at karagatan.

Hindi na tayo maaagawan ng mga pagkain mula sa halaman
hanggang sa laman-dagat. Mga bagyo’t sakuna ay mapaghahandaan
dahil si Alikasan ang saklolo ng bayan. 

Videos

PILIPINAS, NAPABILANG SA ‘DEADLIEST COUNTRIES’ PARA SA ENVIRONMENTAL ACTIVISTS

Presidential Spokesperson Ernesto Abella announces during a press conference in Malacañang
File: Presidential Spokesperson Ernesto Abella. (Presidential photo)

Napabilang ang Pilipinas sa “deadliest countries in the world” sa apat na magkakasunod na taon para sa mga environmental defenders.

Ayon sa ulat ay maraming bilang ng kaso ng pamamaslang na may kaugnayan sa pagmimina ang naitala, kung saan ang karaniwang biktima ay mga katutubong lumad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi pinahihintulutan ng pamahalaan ang ganitong uri ng karahasan at pananakot.

Patunay rito ang pagkakatatag sa Indigenous Peoples Inter-Agency Task Force na binubuo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ang sangay na korporasyon nito na Natural Resources Development Corp. (NRDC) at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang tiyakin na ang mga katutubong mamamayan ay hindi mapapailalim sa pananakot at impluwensya ng mga walang konsensyang negosyante na nagnanais na makuha ang likas na yaman mula sa kanilang mga lupain.

 

(MMPM.News/Johara Maligang)

 

DTI, NAGPADALA NA NG MONITORING TEAM SA ORMOC CITY

Trade Secretary Ramon Lopez outlines the industry development agreement between the Philippines and Russia during a press briefing at the Four Seasons Hotel in Moscow, Russia in evening of May 24, 2017.
In photo:Trade Secretary Ramon Lopez PRESIDENTIAL PHOTO/ TOTO LOZANO

Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na pagkatapos ng paglindol ay agad na nagpadala ang kanilang ahensya ng monitoring team sa Ormoc City.

Binanggit din niya na ang presyo para sa basic goods ay mananatili lamang dahil wala namang pagkagambala sa supply chain.

Ayon pa sa kanya ay maaayos din ang mga daan sa naturang probinsya kaya hindi rin ito makakaapekto sa mga suplay at presyo.

Ngunit sa pagdeklara ng state of calamity, sinabi ni Lopez na dapat magtalaga ang gobyerno ng ‘price freeze’ para maiwasan ang negosyanteng walang prinsipyo sa pagmamanipula ng mga presyo.

Sinabi rin niya na ang ibang mga negosyong naapektuhan ng lindol ay nangangailangan ng financing para muling maibalik ang kanilang negosyo.

Kaugnay nito ay sinabi niya na sila ay magsasagawa ng ‘financial scheme’ upang tulungan ang business sector.

 

PND/Shimei Gandia

PAGTUGON NG GOBYERNO SA MGA PANGANGAILANGAN NG MGA NILINDOL SA ORMOC CITY TINUTUTUKAN NI PANGULONG DUTERTE

PAGTUGON NG GOBYERNO SA MGA PANGANGAILANGAN NG MGA NILINDOL SA ORMOC CITY TINUTUTUKAN NI PANGULONG DUTERTE
President Rodrigo Roa Duterte condoles with the family of the late Gerry Movilla who was among the casualties during the earthquake that hit Leyte. Joining the President in the distribution of financial assistance are Leyte Governor Leopoldo Petilla and Ormoc City Mayor Richard Gomez. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinasagawang pagbabalik sa normal na takbo ng buhay ng mga residente ng Ormoc, Leyte na tinamaan ng 6.5-magniude na lindol noong nakaraang linggo.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nakatuon din si Energy Secretary Alfonso Cusi sa pagpapabalik ng kuryente sa loob ng susunod na 10 araw.

Nagpadala na rin ng isang Philippine Navy boat na may lamang 10,000 galon ng maiinom na tubig.

 

(MMPM.News/Marvin Dela Paz)

 

 

 

 

 

 

PALASYO NANAWAGANG MAGING MAS ALISTO ANG PUBLIKO KASUNOD NG LINDOL SA LEYTE

Magnitude 6.5 Earthquake in Leyte on July 6, 2017 / Photo grabbed from PHILVOCS
Magnitude 6.5 Earthquake in Leyte on July 6, 2017 / Photo grabbed from PHILVOCS

 

Nanawagan ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga apektadong residente na maging kalmado at alerto para sa posibleng aftershocks  matapos ang 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Timog Kanluran ng Jaro, Leyte bandang 4:03 ng hapon nitong Hulyo 6.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Palasyo na magiging maagap ang gobyerno sa pagtulong sa mga biktima ng naturang sakuna.

Maaaring bisitahin ang website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para sa latest na impormasyon ukol sa lindol.

 

PCOO/Rosalie Periabras-Catacutan

DAR NAMAHAGI NG LUPA SA 1,163 MAGSASAKA

DAR NAMAHAGI NG LUPA SA 1,163 MAGSASAKA
Secretary Rafael Mariano (with red head band) and Apayao Gov. Elias Bulut, Jr., cuts the ceremonial ribbon at the turnover of the bridge and farm-to-market road project to the local government of Flora, Apayao. Also in photo: Flora Mayor and Vice Mayor Rodolfo Juan and Jessica de San Jose./ Photo courtesy of DAR.gov.ph

 

Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng certificates of land ownership awards na sumasakop sa mahigit 700 ektarya ng lupang sakahan sa Kalinga Apayao, Benguet at Ifugao sa 1,163 agrarian reform beneficiaries o ARBs. Ang pamamahagi ay ginanap noong Hunyo 15, 2017.

Bukod dito, tatlong farm-to-market roads at limang five communal irrigation projects na nagkakahalaga ng P137.4 milyon ang natapos na at inaasahang magpapataas ng produksyon ng mga pananim at ani sa mga nabanggit na lugar.

 

(PND/MMPM.news)

NCCA AT DOT NAGLUNSAD NG ‘KulTOURa MOBILE APP’ NA GABAY SA PAGLALAKBAY

NCCA at DOT naglunsad ng ‘KulTOURa mobile app’ na gabay sa paglalakbay

 

MAYNILA, Hunyo 19, 2017 — Mayroon ng bagong mobile app na makatutulong sa mga turista sa kanilang paglalakbay sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malalim na pagtangkilik sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. At bilang dagdag, mainam din ito para sa mga mag-aaral.

Ito ang KulTOURa gabay sa paglalakbay sa Filipinas na inilunsad ngayon ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at ng Kagawaran ng Turismo (DOT) katuwang ang wireless subsidiary ng PLDT, ang Smart Communications at InnoPub Media.

Tampok sa KulTOURa app ang mga impormasyon hinggil sa mga pamanang pook, makasaysayang paaralan at simbahan, parkeng pangkalikasan, tanyag na palantandaan at iba pang tanawing bahagi ng bansa. Laman din ng app ang makukulay na detalye ng kasaysayan ng mga piling lungsod at lalawigan, kasama na ang mga personalidad, pagkain at pasalubong, at iba pang kaalaman nakapupukaw-interes.

Mada-download nang libre sa iOS at Android, ang nasabing app ay patuloy na pinauunlad upang makapagbigay pa ng mas makabuluhang nilalaman at makahikayat sa mga manlalakbay na tuklasin pa ang ating bansa. Sa hinaharap, makapaghahandog ito ng serbisyo tulad ng chat box, na magbibigay ng awtomatikong payo sa paglakbay; magkakaroon ng mga birtuwal na paglalakbay; at makabibili sa digital na paraan.

Kahit naunang idinesenyo para sa mga turista, makatutulong nang husto ang mobile app para sa mga mag-aaral. Ang komprehensibong impormasyon sa app ay makatutulong upang magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

“Ginawa ang Kultoura app para makatulong sa mga turista at estudyante upang mas matuto pa sila hinggil sa kultura at pamana ng Pilipinas. Makatutulong din ito sa mga banyagang may interes sa mayamang kasaysayan at magagandang tanawin ng ating bansa,” sabi ni Virgilio S. Almario, Tagapangulo ng NCCA.

Upang mapaunlad pa ang karanasan sa paglalakbay, magbibigay rin ang Smart ng mabilis na Wi-Fi at magkakabit ng quick response (QR) code at NFC (near-field communications) chips sa mga muhon ng mga piling lugar upang makuha ang karagdagang impormasyong gamit ang phone scan.

Ang Kultoura app, ang muhong panturista at pagbibigay ng high-speed connectivity ay bahagi ng programang Turismong Digital, na inilunsad ng InnoPub at Smart noong 2012 katuwang ang mga lokal na pamahalaan. Layon ng programang Turismong Digital na magamit ang teknolohiyang mobile upang maitaguyod ang turismo at preserbasyon ng mga pook pangkultura at pamana. Naimplementa na ito sa mga pook tulad ng Baguio, Bohol, Albay, Dapitan, at Davao.

“Gusto naming tulungan ang mga biyahero na mag-enjoy at danasin nila mismo ang mayamang kultura at pamana ng Filipinas,” sabi ni Ramon R. Isberto, Puno ng Pangkat para sa Public Affairs ng PLDT at Smart. “Ang mga inobasyon tulad ng Kultoura app ay bahagi ng mga pagsisikap ng Smart na magbigyan ng kakaiibang paglalakbay ang mga banyaga at lokal na turista,” dagdag pa niya.

“Palagi na nating kasama sa biyahe ang ating mga mobile phone. Ito ay ating tagahatid-mensahe, camera, mapa at tour guide. Sa programang Turismong Digital, ang mahahalagang makasaysayan, pangkultura at pamanang impormasyon ay maipakakalat na sa mga turista gamit ang mga mobile device,” sabi ni Max Limpag, katagapagtatag ng InnoPub. “Marahil ang KulTOURa app, na naglalaman ng impormasyon sa mga pook pangkulturang nagmula mismo sa NCCA, ay ang pinakakomprehensibong app na gabay sa paglalakbay sa Filipinas sa ngayon.”

Samantala, ang pagkakaroon ng mabibilis na Wi-Fi sa pook panturista ay umaagapay sa patuloy na pagpapalawak ng LTE. Magagamit ito sa mga paliparan, pantalan at mga terminal sa buong bansa, kasama na ang mga tambayan gaya ng food park, upang tumaas pa ang koneksyon ng mga nagmamadaling gumagamit nito.

Sa tulong ng Kagawaran ng Impormasyon at Teknolohiyang Pangkomunikasyon, inilunsad kamakailan ng Smart ang Wi-Fi na carrier-grade sa mga himpilan ng MRT at sa EDSA upang mapaglingkuran ang mga pasahero na binabagtas ang pinakaabalang highway ng bansa.

Kasama sa paglulunsad sina Tagapangulo ng NCCA Virgilio S. Almario, Undersecretary for Oversight Function for Legislative Matter ng DOT na si Falconi Millar, Puno ng Public Affairs ng PLDT Ramon Isberto at mga kinatawan mula sa National Parks Development Committee at ang anim na nakakabit na pangkulturang ahensiya ng NCCA.

(KWF/MMPM.news)

DAYUHANG TERORISTA DI DAPAT HAYAANG MAKAPASOK SA PILIPINAS—PANG. DUTERTE

PRRD at the 50th Founding Anniversary of Agusan del Norte and his Visit to the 4th Infantry Division Advance Command Post
President Rodrigo Roa Duterte delivers his keynote message during the 50th Founding Anniversary celebration of the Province of Agusan del Norte at the Caraga State University in Cabadbaran City on June 17, 2017. KIWI BULACLAC/PRESIDENTIAL PHOTO

 

 

BUTUAN CITY — Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na manatiling mapagmatyag sa gitna ng mga pagsalakay ng mga terorista sa Mindanao.

“As fellow Mindanaoans, I ask for your continued vigilance as we express essential measure for the safety of our people and for the restoration of public order in communities affected by terrorism,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng 50th founding anniversary ng Agusan del Norte province na ginanap sa University of Cabadbaran.

Binigyang-diin niya na ang krisis sa Marawi City ay isang laban na dapat ipagpatuloy ng bawat mamamayan na nagnanais ng pag-unlad. Hiniling din niya ang kooperasyon ng publiko sa pakikibaka sa anumang uri ng katiwalian at kriminalidad.

Anang Pangulo, “Do not allow other people, other tribes, with the foreign or radical extremists. Don’t let them enter… so that, there won’t be any trouble. Assume a neutral stance.”

Binanggit din niya na dapat ay walang hidwaan sa pagitan ng mga tribu at sinabing, “We can all just live together peacefully, nobody’s fighting against you. Together, we will work relentlessly in overcoming these obstacles on our way to become a more inclusive and progressive society.”

Pinaalalahanan din ni Pangulong Duterte ang publiko na iwasan ang terorismo at ang lahat ay dapat na mag-ulat ng anumang kahina-hinalang insidente sa pulisya o sa militar. Ipinaliwanag din niya sa lahat na ang martial law sa ilalim ng kanyang administrasyon ay iba.

“Basta iwasan (or huwag) ninyong papapasukin ang terorismo, i-report n’yo kaagad sa pulis kasi wala na akong pakialam sa pagpapatakbo ng pulis. Sa kanila na ‘yan. ‘Yung nakaranas ng martial law noong panahon ni Marcos, ano talaga ‘yun. Ang akin, basta martial law, maniwala lang kayo, maglalakwatsa kayo at walang bawal,” paglilinaw ni Pangulong Duterte.

 

(PND/MMPM.news)

PALASYO PINABULAANAN ANG DI UMANO’Y PAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS SA MARAWI

Photo courtesy of Philippine Information Agency/The Mindanao Hour
Photo courtesy of Philippine Information Agency/The Mindanao Hour

Tiniyak ng Palasyo na hindi totoong nagtaas ang presyo ng bigas sa Marawi, Lanao del Sur, kung saan patuloy ang operasyong militar laban sa teroristang grupong Maute.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang panayam nitong Hunyo 3, “An enforced price freeze on basic necessities and prime commodities in Mindanao has been declared by the President.”

Ang price freeze ay magtatagal ng 60 araw, alinsunod sa deklarasyon.

 

(PND/Mich Nabre)