Stories

PRODUKTO NG MGA BILANGGO BIBILHIN NI PANG. DUTERTE

President Rodrigo Roa Duterte talks to the inmates during his visit to the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Camp Bagong Diwa in Taguig City on October 18, 2017. Also in the photo is Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte talks to the inmates during his visit to the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Camp Bagong Diwa in Taguig City on October 18, 2017. Also in the photo is Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO.

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City nitong ika-18 ng Oktubre. Kanyang ipinangako na pagagandahin ang mga jail facilities at security equipment.

Habang kinakausap ang isang BJMP personnel, sinabi ni Pangulong Duterte na siya ay nasisiyahan sa pamamaraan ng BJMP sa pagpapatakbo ng prison facilities nito.

“Okey ang sitwasyon, they are comfortable, clean. I’m satisfied by the way it is being run by the BJMP,” sambit niya.

Ginawa ng Pangulo ang assessment matapos bisitahin ang iba’t ibang kulungan sa loob ng BJMP.

Inihayag niyang gusto niya na magkaroon ng television sets ang bawat selda sa katapusan ng buwan upang magsilbing libangan. Aniya, “Nakakaawa naman ‘yung mga preso, walang libangan.”

Sinabi rin niya na kanyang tutulungan ang mga preso na maibenta ang kanilang handicrafts upang makatulong sa kani-kanilang pamilya kahit nakakulong. “Bilihin ko siguro at pabisitahin ko ‘yung DSWD para how we can market their products, para kikita sila and of course, a program sa follow-up to see whether their children are studying still or not.”

Kanya namang ipinangako na magbibigay ng karagdagang kagamitan at aparato upang mas mapabuti ang seguridad sa loob ng mga piitan. “Gusto ko kayong unahin sa gobyerno. So you’ll have, I say, the most modern equipment. You will have it.”

Muling ipinabatid ng Punong Ehekutibo na ang sahod ng militar at pulis ay tataas sa susunod na taon, kung saan kabilang din ang jail personnel.

Binanggit din niya ang pagbuo ng housing units para sa mga uniformed personnel sa buong bansa.

“So I want you to have a more comfortable home — kayo lahat. Gusto ko a more comfortable life than before,” anang Pangulo. “As I have said doon sa Command Conference, I have almost four years plus remaining and I want to build a strong security, improved security forces and that includes you. Lahat, ‘yung may armas.”

Bago niya nakaharap ang BJMP personnel, nag-ulat si Acting Chief Jail Director Deogracias Tapayan sa Pangulo ukol sa kasalukuyang kondisiyon ng 475 na kulungan sa buong bansa at ang katayuan ng bureau sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang kontrabando.

Sa kasalukuyan, ang BJMP ay may kabuuan na 152,428 inmate population at pinamamahalaan ng 12,193 na uniformed personnel.

(PND/MARVIN S. DE LA PAZ)