Stories

PROBLEMA SA BASURA TINUTUTUKAN NG DENR

Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu press briefing on October 19, 2017. Presidential Communications/RTVM photo.
Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu press briefing on October 19, 2017. Presidential Communications/RTVM photo.

Isinusulong ng gobyerno ang modernisasyon sa mga sasakyan sa bansa upang mabawasan ang air pollution. Ito’y ayon sa pahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa press briefing sa Malacañang nitong ika-19 ng Oktubre.

“The number one source of pollution really are those engines that are still categorized as Euro 2. And these Euro 2 vehicles should be out in the streets by the middle of next year, as far as our plans is concerned with the DENR,” ani Cimatu.

Para naman sa Solid Waste Management, sinabi ng kalihim na kanilang isinara ang Payatas landfill dahil ito’y lumagpas na sa limitasyon. Aniya, ang dumpsite sa Rodriguez, Rizal ay kasalukuyang ginagamit at inaasahang magagamit lamang hanggang sa taong 2022.

“Payatas, that should have been closed four years ago, eh. But na-extend-extend hangga’t supposed to be ngayon December na sana ang final. Pero hindi na natin pinaabot ‘yung December kasi talagang delikado na.”

Sinabi ng kalihim na mahalaga sa bawat household na subukang i-recycle ang kanilang mga basura upang hindi na dumagdag sa problema sa waste disposal.

(PND/Angel Sagales)