Stories

PANGULONG DUTERTE SA MGA BICOLANO: ‘TALAKAYIN NA ANG FEDERALISMO’

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the Federalism Summit at the Capitol Convention Center in Pili, Camarines Sur on October 17, 2017, reiterates his stance on the country's shift from a unitary type of government to a federal type. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the Federalism Summit at the Capitol Convention Center in Pili, Camarines Sur on October 17, 2017, reiterates his stance on the country's shift from a unitary type of government to a federal type. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Federalism Summit nitong ika-17 ng Oktubre sa Pili, Camarines Sur para kausapin ang mga lider ng Bicol kaugnay sa isasagawang talakayan tungkol sa pederalismo sa mga komunidad.

Pinamunuuan din ng Punong Ehekutibo ang oath taking para sa mga bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

“I encourage all of the Bicolano local leaders to begin discussions on Federalism in your communities, even as you strengthen the efforts against illegal drugs, crime, and corruption,” pahayag niya sa kanyang talumpati.

Binigyang-diin naman ng Pangulo na ang pag-postpone sa October 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay para maiwasan ang impluwensiya ng ilegal na droga at sindikato sa lokal na eleksyon.

Aniya, “It is my hope that you will do everything to prevent these menaces from contaminating and taking root in your areas.

“It is our vision to create a system of government that will give lasting peace, progress, and prosperity for all of our peoples,” dagdag niya habang inihahayag ang simula ng proseso sa transpormasyon na maghahatid sa mas magandang Pilipinas para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Ayon sa Pangulo, ang kabiguan sa paglipat sa pederalismo ay magreresulta ng problema sa Mindanao.

“Now, itong federalism is… Ito magprangka ako, ha? Pag hindi ito natuloy or any change that would modify the present structure, which is really an unfair set-up, it will lead into a trouble again sa Mindanao,” sambit niya.

“Kasi itong unitary type of government vis-à-vis federal type, this is the setup of the Spaniards. Tayo na lang ang nagpaiwan sa Asia from Indonesia to Malaysia to Australia to Singapore, to Japan, Korea, tayo na lang ang unitary type. We can have a president under a federal setup,” anang Pangulo.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na gusto niya ng isang malakas na Pangulo habang nasa formative stage pa lamang ang pederalismo sa bansa.

“Kung saan na lang tayo, it will be easy if we agree na mag-federal tayo. Kapag hindi, talagang sasabog ‘to because then, I would predict that the MILF, MNLF would now join with everybody…  and there are aplenty ang armas,” paliwanag niya.

(PND/MARVIN S. DE LA PAZ)