Stories

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION NANGUNA SA ‘KILOS SAMBAYANAN’ FORUM

The “Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)” event at Bureau of Soils and Water Management, Quezon City on October 20, 2017. PHOTO BY MMPM/David Veridiano
The “Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)” event at Bureau of Soils and Water Management, Quezon City on October 20, 2017. PHOTO BY MMPM/David Veridiano

Ginanap ang “Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)” sa Bureau of Soils and Water Management, Quezon City nitong October 20, 2017. Ito ay pinangunahan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kasama ang Human Development and Poverty Reduction (HDPRC), Philippine Information Authority (PIA) at Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Layunin ng nasabing forum na maipaliwanag sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno na makatutugon sa kanilang pangangailangan sa pagkain, lupa at pabahay.

May 10 pangunahing pangangailangan na tinukoy ang NAPC: pagkain at land reform, patubig, pabahay, hanapbuhay at national industrialization, healthcare, edukasyon, social protection, healthy environment, kapayapaan at partisipasyon ng tao.

Ang #KilosSAMBAYANAN ay isang kampanya na pinangungunahan ng NAPC upang matugunan ang sampung pangangailangan ng tao lalo na ng mga mahihirap, matulungan ang lahat ng sektor ng lipunan at magsilbing sukatan ng epekto ng mga programa ng pamahalaan sa buhay ng mga mahihirap.

Ang forum ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno: Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Philippine Commission on Women (PCOW), National Economic and Development Authority (NEDA), at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Ang kampanyang ito ay unang inilunsad sa Delpan, Binondo, Manila noong July 16, 2017.

(MMPM/Victoria Cordero)