Stories

MGA PROBLEMA NG OFWs NAISAAYOS NI PANGULONG DUTERTE

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the 7th anniversary of the public service show, 'Buhay OFW', at the Sofitel Philippine Plaza in Pasay City on October 18, 2017, narrates how illegal drugs have ruined the lives of Filipino families those whose parents are working abroad. Also in the photo are Justice Secretary Vitaliano Aguirre II and Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the 7th anniversary of the public service show, 'Buhay OFW', at the Sofitel Philippine Plaza in Pasay City on October 18, 2017, narrates how illegal drugs have ruined the lives of Filipino families those whose parents are working abroad. Also in the photo are Justice Secretary Vitaliano Aguirre II and Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO.

Pinaunlakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikapitong anibersaryo ng Buhay OFW nitong Oktubre 18 na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

Dito, pinapurihan niya ang mga kababayan nating overseas Filipino workers at nangakong patuloy niyang pauunlarin ang ekonomiya ng bansa upang matulungan sila at ang kani-kanilang pamilya.

Aniya, “The only way, the most direct way of helping you is to improve the Philippines. You are out of the country because you want a more gainful employment. Not an excessive one but mas mataas, a higher rate and perhaps, the quality of service.”

Binigyang-diin din ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa upang mabigyang-hustisya ang lahat ng pagsasakripisyo ng mga OFWs.

Paliwanag niya, “You have to improve the economy. To do justice to the sweat of people outside, rich or poor, that their families here are protected. Wala naman silang ibang hinihingi. They are not asking for anything else from the government. As a matter of fact, they are the ones remitting money to the government.”

Ipinaliwanag din ng Pangulo ang problema ukol sa illegal recruitment at sinabing isa itong uri ng panlilinlang.

Idineklara na rin umano niya ang laban kontra ilegal na droga at illegal recruiters.

“You know, if you try to bring the worst in me as a human being, try these crimes and you would really see the worst person in this planet. And I like it. Being the worst person. Because I… just stated incessantly by Marissa, that’s really pure oppression,” aniya.

Binanggit din ng Pangulo ang mga polisiya na ipinapatupad ng kanyang administrasyon upang mapadali ang buhay ng mga OFWs.

Pagmamalaki niya, “Noon, sa Immigration, matagal ang proseso kasi marami pang kinukutso-kutso ka — left and right. I think, in my time, there is none.”

Pinasalamatan din ng Pangulo sa naging pahayag ang mga pribadong sektor sa tulong na kanilang ipinaaabot upang masolusyonan ang mga problemang ikinahaharap ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa abroad.

“Again, I thank the private sector, especially the Buhay OFW, for working closely with the government in this endeavor,” aniya. “Human trafficking is a serious problem that transcends borders. Therefore we all have a responsibility in making sure that this battle is won.”

Inihayag din ng Pangulo na patuloy na magsusumikap ang pamahalaan at ang mga pribadong sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga OFWs.

Tinunghayan din nito sa nasabing pagdiriwang ang paglulunsad ng Buhay OFW TV’s Anti-Trafficking OFW Movement (ATOM). Ang ATOM ay naglalayon na makalikha ng kamalayan upang makaiwas ang bawat Filipino na mabiktima ng human trafficking.

(PND/Angel Sagales)