Stories

MGA PROBLEMA NG ASEAN MEMBERS, TINALAKAY NI PANGULONG DUTERTE SA ASEAN HIGH-LEVEL FORUM

President Rodrigo Roa Duterte engages in a discussion with former Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva and Former President Gloria Arroyo  who paid a courtesy call on the President on the sidelines of The High Level Forum on ASEAN @50 at the Conrad Manila Hotel in Pasay City on October 19, 2017. Joining the President are Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano and Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go. REY BANIQUET/PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte engages in a discussion with former Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva and Former President Gloria Arroyo who paid a courtesy call on the President on the sidelines of The High Level Forum on ASEAN @50 at the Conrad Manila Hotel in Pasay City on October 19, 2017. Joining the President are Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano and Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go. REY BANIQUET/PRESIDENTIAL PHOTO.

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte nitong ika-19 ng Oktubre sa High-Level Forum bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN kung saan kinilala niya ang mga naging kontribusyon ng asosasyon sa pag-unlad ng buong rehiyon.

“I wish to thank the organizers of this High-Level Forum on ASEAN at 50 for inviting me to this very meaningful gathering,” anang Pangulo sa harap ng mga nakiisa sa nasabing forum.

Aniya, ang mga naging pagpupulong ng mga lider ng ASEAN ay nakapaghatid ng mahahalagang kontribusyon sa pagbabago at pag-unlad ng buong ASEAN community, at ang pagkakakilanlan sa rehiyon at sa iisang layunin nito.

May malaking ginagampanan din aniya ang ASEAN sa pagtitiyak ng seguridad at katatagan ng Asya kung saan nararamdaman na ito, ayon sa Pangulo, sa 50 taong nagdaan.

Inihayag din niya na ang kasalukuyang pagbabago sa Korean Peninsula ang sumubok sa ASEAN upang mapanatili ang kapayapaan at upang matiyak ang seguridad sa rehiyon.

“That is why we remain committed in working closely with our international partners in maintaining stability in the Korean Peninsula,” pagpapaliwanag ng Pangulo.

Sa usaping pang-ekonomiya naman, sinabi niya na patuloy pa rin na nagsusumikap ang rehiyon na magkaroon ng isang malawak at rules-based market kung saan ang mga negosyo, lalo na ang micro, small at medium enterprises ay tiyak na magtatagumpay.

Ibinahagi rin ng Pangulo na nakatakdang magkita-kita ang mga lider ng ASEAN at ang Dialogue Partners nito sa darating na Nobyembre para sa 31st ASEAN Summit upang muling pagtibayin ang kanilang mga napagkasunduan sa pagpapanatili ng regional peace and stability, pagkakamit ng maritime security and cooperation, pagtitiyak ng advance inclusive innovation-led growth, at pagpapatibay sa region’s resiliency, at ang pagkilala sa ASEAN bilang global player and a model of regionalism.

Nais din umano ng mga lider, ayon sa Pangulo, na makita ang mahahalagang pagbabago sa negosasyon sa pagkakatatag ng Regional Comprehensive Economic Partnership.

At dahil malapit ng matapos ang pagiging Chair ng Pilipinas sa ASEAN, anang Pangulo, “It is our shared hope [that] our gains will become part of our continuing commitment to ASEAN and the principles for which it stands for. I therefore call on our fellow ASEAN leaders to empower our peoples by making them understand the importance of ASEAN in their lives, [how] its past gains have directly contributed to their well-being, and how the realization of its goals will make their lives better.” Nanawagan din ang Pangulo sa mga bansang kasapi ng ASEAN sa isang mas matatag na kooperasyon at pagbabago sa kalakaran at sinabing ang asosasyon ay maaaring matuto mula sa ibang samahan gaya ng European Union kung saan sinabi niya na kung nakakaya ng EU ay tiyak na makakaya rin ng ASEAN.

Ang mga problema sa kalakaran, ayon sa Pangulo ay nararapat din na masolusyonan lalo na ang mga hadlang na ipinapataw ng European at American markets sa ASEAN products.

“I dream of a time when we can treat the other countries or the cartel of other nations equally on our own terms also. I hope that ASEAN will grow strong and solve the problems — the serious problems confronting us,” aniya.

Ang isyu sa South China Sea ay nararapat din umano na maresolbahan sa mapayapang pamamaraan.

Nabanggit ng Pangulo ang ukol sa laganap na piracy at terorismo sa Malacca Strait, kung saan inihayag niya ang mga epekto nito sa regional trade. Ang ganitong kadelikadong sitwasyon ay kinakailangan aniya ng malaking aksyon.

“I hope to talk with the leaders of these countries and we’re willing to put our resources together with theirs to find a solution,” ani President Duterte.

Dumalo rin sa High-Level Forum on ASEAN at nakasama ng Pangulo sina dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at dating Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva, na mga dati ring ASEAN leaders.

Kasama ng Pangulo sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Bong Go, at Bohol Representative Arthur Yap.

(PND/Angel Sagales)