Stories

MGA KAMAG-ANAK NINA ISNILON HAPILON AT OMAR MAUTE, SUMUSUKO NA SA PAMAHALAAN

Philippine soldiers patrol along a village near a highway in Maguindanao province on Wednesday on the island of Mindanao, after almost a week of attacks on members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. | AFP-JIJI.
Philippine soldiers patrol along a village near a highway in Maguindanao province on Wednesday on the island of Mindanao, after almost a week of attacks on members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. | AFP-JIJI.

Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong ika-20 ng Oktubre ang ginawang hakbang ng mga kamag-anak nina Isnilon Hapilon at Omar Maute na isuko ang kanilang sarili at mga armas sa pamahalaan.

“We are happy to note that there is some sense entering into the minds of all these relatives who bear arms and who have been part of the network. And as the days go by, let this be (the) good message to all these armed individuals and armed elements,” ani AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr. sa regular na Mindanao Hour press briefing sa Malacañang.

Dagdag pa niya, “Maging magandang mensahe po sana itong mga nangyayari sa Marawi na talagang determinado ang Armed Forces at ang ating pamahalaan na i-address lahat ng mga armadong grupo upang talagang manatiling safe ang ating mga kanayunan at ang ating mga siyudad.”

Nanawagan din ang tagapagsalita ng AFP sa publiko na makipagkooperasyon sa pamahalaan ukol sa mga loose firearms.

“Hangga’t hindi po naibabalik at naisu-surrender lahat ng mga loose firearms, ‘yung mga armas na hindi dapat nasa kamay ng mga tao na wala namang lisensya at hindi naman dapat naghahawak ng armas, dapat makuha po natin lahat ‘yan, nang sa ganoon, masabi nating ganap na maayos ang ating mga komunidad,” ani Padilla.

Inianunsyo rin niya ang matagumpay na pag-rescue sa 10 hostages. “With the number of hostages that have been rescued in the last 24 hours, we look forward to getting the rest of the hostages and [to] addressing the armed threat that still exists. We are giving it our best and we’re doing all that we can so that we can end these hostilities in this part of Marawi.”

At kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalayaan ng Marawi, inihayag ni Padilla na ibabalik na muli ang mga militar sa kani-kanilang lugar upang magsagawa ng mga training at battalion activities. “They will also be going back to Luzon for a much-needed break and for their long-delayed training in Fort Magsaysay and in other camps of the Philippine Army to enhance their skills and prepare them for their next mission.”

Nilinaw rin niya na may ilan pa ring naiwang sundalo sa Marawi City upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa oras ng rehabilitasyon ng lugar. “Most of this will be dependent also in the key sector or areas in Marawi that they are holding. If these are relatively safe, then we will free up our units to depart.”

Hiningi naman ni Padilla ang pang-unawa ng mga taga-Marawi na gustong bumalik sa kani-kanilang tahanan.

Aniya, hindi pa rin pinapayagan ang mga ito na bumalik hangga’t hindi pa natatapos ang clearing operations ng AFP.

Kinakailangang malinis muna ang bawat sulok ng lugar sa posibilidad na mayroon pa ring mga natitirang explosive devices (IEDs), mga patibong, at ibang uri ng mga pasabog bago bumalik ang mga taga Marawi.

Aniya, “Kinakailangan hanapin po natin lahat ng naiwang mga bomba na hindi pumutok, mga patibong na iniwan na hindi po namin nakita, at mga bagay na maaaring makasakit sa inyo.

“Kaya hinihingi po namin ang pasensya at pag-unawa ng lahat. Pag oras na po na kami’y ganap na sigurado na hindi na po talaga ito magiging balakid, kami po’y magbibigay ng senyales at makikipag-ugnayan sa local government upang pahintulutan na po ito.”

(PND/Angel Sagales)