Stories

MALACAÑANG: LABAN KONTRA TERORISMO HINDI PA TAPOS

Karen Aizha Hamidon, ISIS Recruiter. Photo source: rmn.ph.
Karen Aizha Hamidon, ISIS Recruiter. Photo source: rmn.ph.

Nabahala ang Palasyo matapos maaresto si Karen Aisha Hamidon ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong ika-18 ng Oktubre dahil hindi pa umano tapos ang laban dahil sa laki ng bilang ng mga terorista.

“Our efforts to hunt down extremist elements who want to sow fear and terror and to maintain peace and order in the community as we call on our people for their vigilance and cooperation to inform authorities on possible threats to public safety,” ani Abella.

Si Hamidon ay biyuda ni Mohammad Jaafar Maguid, ang most wanted man sa Sarangani at dating lider ng Ansar Khalifa Philippines, ang grupo sa likod ng pagpapasabog sa Davao City noong nakaraang taon.

Hinihinalang si Hamidon ang Daesh-Maute recruiter na gumagamit ng online messaging application upang hikayatin ang mga foreign terrorist na sumali sa grupo ng mga Maute sa Marawi City upang labanan ang pamahalaan.

Samantala, tinitiyak pa rin ng mga militar ang balita na patay na si Mahmud Bin Ahmad, isang Malaysian na nagpondo sa grupo ng mga Maute noong kasagsagan ng gulo sa Marawi.

“Once government troops recover the body, only then can we make an official confirmation,” ani Abella.

(PND/Angel Sagales)