Stories

KITA NG CUSTOMS TITIYAKIN NG PALASYO NA MAPUPUNTA SA IMPRASTRUKTURA AT SOCIAL SERVICES

Bureau of Customs logo.
Bureau of Customs logo.

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa publiko sa isinagawang press briefing nitong Oktubre 17 na ang mataas na koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) ay magagamit sa pagtatayo ng mga imprastraktura at proyekto ng pamahalaan sa social services.

Pinuri rin niya ang BOC sa pagkakamit ng pinakamataas na cash collection sa loob ng isang buwan matapos ang koleksyon nito noong Setyembre na umabot sa P39.545 billion.

“This shows the remarkable progress we made in increasing government revenues through the increase in valuation along with capability upgrade and accountability mechanisms in the country’s second largest revenue generating agency,” ani Abella.

(PND/Angel Sagales)