Stories

EXCISE TAX NG MINING COMPANIES PLANONG TAASAN NG PAMAHALAAN

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the 43rd Philippine Business Conference (PBC) and Expo concluding ceremony at the Manila Hotel on October 19, 2017, reiterates that his oath of office mandates him to protect the Filipinos and preserve the Republic of the Philippines. ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO.
President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the 43rd Philippine Business Conference (PBC) and Expo concluding ceremony at the Manila Hotel on October 19, 2017, reiterates that his oath of office mandates him to protect the Filipinos and preserve the Republic of the Philippines. ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO.

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na maghanap ang ahensya nito  ng alternatibong pamamaraan na taliwas sa open pit mining.

“During the Cabinet meeting last September 4, the President ordered me to look into other options or modalities in getting what is inside the bowels of the Earth aside from open pit mining,” pahayag ni Cimatu sa press briefing sa Malacañang nitong ika-19 ng Oktubre.

Ayon sa kalihim, inutusan siya ng Pangulo na huwag payagan ang pagmimina sa mga watersheds at atasan ang mga mining companies na magtanim ng puno sa mga tigang na lupain sa sinasakupang lugar ng kumpanya na hindi nagagamit sa pagmimina.

Nilinaw ni Cimatu na hindi kontra si Pangulong Duterte sa open pit mining basta’t nakakapagbigay ng tulong sa mga komunidad na apektado ng naturang open pit mining.

Aniya, “Mining companies will be given that elbow room… but eventually at some point in the future, open pit mining will have to return or to turn (to) more environmentally-accepted methods.”

Sinabi rin niya na ang Mining Industry Coordinating Council (MICC) ay magtitipun-tipon sa ika-24 ng Oktubre upang pag-usapan ang mga utos ng Pangulo.

Nabanggit naman ni Cimatu ang ideya na pataasin ang excise tax sa mga mining companies.

“We have to plan properly how much of financial and so forth and so on. But mukhang maliit ‘yung two percent,” aniya kung saan sinabi nito na mas mababa pa sa isang porsiyento ang naiaambag ng mining industry sa GDP.

Paliwanag pa ni Cimatu, “Other countries, they are getting about 10 percent, 8 percent. In fact, one country in South America is getting 15 percent. So these are the things that we have to look (into) because as of now, we are the fifth mineralized country in the world and their estimate is that if we can get all these, it can translate into a very big revenue for the government and it can translate I think into trillions of pesos.”

(PND/Angel Sagales)